Wednesday, December 2, 2009

Playing Strong Yet Alone

Paano nga ba kung hindi ka makalimot? Paano nga ba kung nagiisa ka?

Walang nakakaintindi sa akin. Dahil kahit ako, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Minsan naaawa ako sa sarili ko. Hindi ako naiintindihan ng mga tao. Not even my friends. Ang nakakainis kahit na anong paliwanag ang gawin ko, hindi pa rin nila ako maintindihan. Yung iba, hinuhusgahan pa ako. Hindi ko pinipilit na intindihan nila ako. Pero sana huwag din nila akong husgahan.

Ang hirap. Kahit na ilang beses mong sabihin na ayaw mo na. Ang totoo, ganun pa rin. Wala ka naman mababago eh. Wala ka naman mapapalitan. Walang pwedeng idagdag, at lalong walang pwedeng ibawas. Hindi naman mahirap kung tutuusin. Lahat naman may paraan. Pero paano kung ginawa mo na ang mga dapat mo gawin pero wala pa rin nagbabago. Hindi pa rin binibigay ang gusto mong makuha. Paano kung pinipilit mo na pero talo ka pa rin?

Parang wala nang pagasa. Pero alam kong mangyayari din. Alam ko mababago rin. Pero kung kailan? Hindi ko alam. Kahit kailan hindi ko malalaman. Iyan ang problema ko. Iyan ang hinagpis ko. Sana madaan sa dasal. Sana madaan sa pakiusap. Hindi ako humihingi ng milagro. Hindi rin ako humihingi ng kalabisan. Hiling ko lang na matapos na ito. Yun lang.

Thursday, November 12, 2009

Power of Love

People say "believe in the power of love". Love conquers all as what I believe. But now, as love has done to me, love does not conquer all. In fact it does not conquer anything at all. It is powerless. It cannot do anything great. But at the same time, it is powerful. Powerful in a negative way. It is a very powerful destruction. It crushes you. It shuts you off. It hurts you deeply. It stabs you. It dissolves your personality. It drains you of your sanity. It snaps you from reality and fly you to heaven, only to drop you off from the sky. It picks you up from the ground only to bury you six-feet under. It puts you together, only to bomb you into mongrel pieces.

As powerful love may seem, it cannot conquer everything. For me, it cannot conquer anything at all. It is weak dealing with long distances, only freed itself when miles away. It is helpless when attacked, leaving you wounded. It is a coward when fighting, just letting him go even if you still can do something. It shuns away from the person you love, avoiding to be hurt. Does everything in its power then gives up and run away.

If love really is powerful, in a positive way, then I wouldn't be lonely now. If love can conquer everything, I would not be hurting now. I would have been happy now.. with him. I still love him, yes. I still damn love him. And fuck this shit called love, powerless, and useless. Can do nothing to make him stay. Can do nothing to bring us together. I miss him. Everyday. And I can't be saved by Love. I am left with nothing. I am left empty. Empty of him. Just full of misery.


Saturday, October 31, 2009

The Pretender

People always thought I am lucky. Lucky because I do not have anything to worry about. Lucky because I do not appear in need of anything, to them.. One thing that they don't know.. I am a Pretender. It is not true that I don't have anything to worry about. It is certainly not true that I am not in need of anything. Does anyone know that I am empty? Has anyone looked deeply in my eyes and see the emptiness? None. Why? Because I am a pretender. Laughing heartily is one of my hobby, side by side with crying. But has anyone ever noticed that my laughters are just too loud, too happy? And has anyone ever noticed that my laugh is covering the pain inside? None. Because I am a pretender. When I talk, I talk lively, entertainingly. But no. It is untrue. Not the stories, but the way I present it to people. The liveliness is forced. The entertainment is a show. But all of it were appreciated. Because I am a pretender.

I pretend to be strong. I pretend to be okay. I pretend to be so full of life. The truth? I am crushed. I am empty. I am hurt. All of it were pretensions. And I have already mastered it. Nobody can look past me. Nobody. But myself. I often find myself pretending to other people and even force to pretend to myself. But the honesty of my heart cannot just possibly fool myself. I did my best to hide my own feelings from myself. But how can I succeed if for every pretension, and effort I make to force myself to be okay, I feel thorns. Thorns that deeply etch themselves on my heart. How can I force myself to be okay if every time I look at the mirror, I can see through my eyes the heaviness of my heart?

Sometimes, I want to fly. To be free. To be just oblivious of everything. Sometimes, I pray. And I cry. But at the end of each day, I know, I am still empty. I am still not healed. And yet, I have to prepare because tomorrow, tomorrow the show must go on.


The curtain is up, the audience claps, and waits for another great show from the master... The Star...


The Pretender.

Wednesday, October 21, 2009

Delete!

Eto na naman ako.. depression na ata talaga itong nararamdaman ko, hindi ko na gusto. May mga umaga na ayaw ko na magising. Kahit gising na ako, ayaw ko pa rin bumangon at pinipilit ko ang sarili ko bumalik sa pagtulog. Hindi dahil sa tinatamad ako. Kung hindi dahil alam kong sa pagtulog lang ako makakatakas. Oo, like a coward, tumatakas ako. Tumatakas ako na maisip siya, maalala siya. Sa pagtulog lang ako nakaakiwas sa kaniya. Kahit na minsan laman siya ng panaginip ko, at least, hindi parati. At least sandali lang. Hindi tulad ng pag gising ako, parang hindi siya naaalis sa isip ko. For each moment that I am awake, I feel so vulnerable. Anytime, pwede siyang pumasok sa isip ko. Nahihirapan na ako. Oo, hindi naman first time na nangyari ito sa akin. Pero ngayon lang ako nahirapan ng ganito. Sa pagkakataon pa na ito kung kailang tinutulungan ko naman ang sarili ko at buo ang puso ko na maka-move on. Pero wala pa rin. Nasasaktan pa rin ako at hindi pa rin ako maka-move on. Nagdadasal ako pero ayaw Niya akong pakinggan. Bakit? Wala naman akong tinatapakan na iba pero bakit ayaw Niya akong tulungan? Gusto ko na talaga makalimutan siya. Im hoping desperately na sana computer na lang ang utak ko na pwede kong piliin kung ano ang isa-save at ano ang ide-delete. Gusto ko lang naman maging ok na ako eh. Hindi ba pwede yun? Talaga bang kailangan miserable ang buhay ko? Dahil kung ganun, mabuti pa kung matatapos na lang ito.

Ayoko na... pagod na ako.. masyado na akong nasasaktan. Suko na ako. Ayoko na talaga.. please...

Sunday, October 18, 2009

Misery...

Ang hirap naman talaga ng ganito.. gusto mo na maka-move on pero hindi mo magawa. Hindi dahil sa pinipigilan mo. Mahirap lang talaga. Hanggang ngayon laman pa rin siya ng mga panaginip ko. Siya pa rin ang isa sa mga karakter ng mga librong binabasa ko. Siya rin ang bida sa mga eksena na napapanood ko. Siya pa rin ang tauhan sa kantang naririnig ko. Sabi sa text if you want something badly, the whole universe will connive to give it to you. Eh bakit ako? Hiniling ko na bumalik siya, hindi nangyari. Hiniling ko na maka-move on na ako, hindi pa rin napagbigyan. Kaya hiniling ko na lang na mamanhid ako sa sakit na nararamdaman ko, langya naman pati ba naman yon ipinagdamot pa sa akin. Minsan iniisip ko ano ba ang nagawa kong mali at pinaparusahan ako ng ganito.

Durog na durog na ako. Ano pa ba ang dapat na mangyari sa akin bago ako pagbigyan? Sabi nila hindi ka lang pinagbibigyan kapag ang hiling mo ay hindi makaka-buti sa'yo o di kaya ay makakasakit ka ng iba. Im sorry pero seems to me, neither of the two will happen if pagbibigyan ang hiling ko. I mean come on, do I have to die first? Para na akong mababaliw sa sitwasyon ko eh. Nararamdaman ko na. Malapit na malapit na akong mabaliw. Depressed ako. Minsan nararamdaman ko na ang epekto nito sa katawan ko, sumasama ang pakiramdam ko ng wala namang dahilan. Takot akong gumising dahil ayaw kong maisip pa siya, o ang nakaraan namin. Nilalabanan ko ang depression, pilit na sinasalba ang sarili ko. Pero bakit ganito as if the whole universe is conspiring to make me feel more miserable. I just want to be OK. Masama ba yun? Pagbigyan nyo naman na ako. Wala naman akong ginawa na masama eh. Hindi naman ako nanapak ng kapwa. All that I did was to love. Please lang, ayoko na ma-stuck sa ganito. Tinutulungan ko naman ang sarili ko maka-move on eh. Tulungan niyo rin naman sana ako. Huwag niyo na sanang hadlangan. Huwag niyo na sana pigilan pa na maka-move on ako. Im begging you. Please... I just want to be OK.

Friday, October 16, 2009

Spare Me

Sana computer ang utak ko. So I can delete everything that I want to delete. Like memories that I am not yet ready to recall. Memories that do not teach me something but only hurt me entirely. Ayoko na ma-stuck sa ganitong situation. I know God allows this to happen for me to learn and be prepared for whatever it is that will come but I swear, hindi ko na kaya. I am crushed already. Upos na ako. I want to forget everything and keep it away. Miserable ang buhay ko ngayon and yet I have to pretend that I am okay. Even though it means that I am also fooling myself. I want to fool myself that I am Okay. But I cannot just deny it. It is the truth. A painful truth. I just want to set aside my heart. Where I won't feel it. And let the pain subside. Let me forget. I have learned the lesson I ought to learn. Please spare me. This is pain I could not anymore handle.

Thursday, September 3, 2009

Sa Dasal Man Lang...

Sa lahat ng taong nakilala ko, isa ka sa dadalawang tao na nangarap hindi para sa sarili nila, ngunit para sa pamilya nila. Ikaw ang isa sa mga taong nakilala ko na handang ibigay at isakripisyo ang lahat para sa mga pamilya nila. Kakalimutan ang sariling kagustuhan at pangarap para lang unahin ang pangangailangan ng pamilya.

Sa pag-abot mo sa isang pangarap na ngayon mo lang natagpuan ang pagkakataon na matupad ito, naisantabi ako. Inakala mo na magiging hadlang ako sa pagtupad mo sa pangarap na ito. Pero alam mo, hindi ko intensyon na maging hadlang sa'yo. Ang totoo, hindi mo ako binigyan ng pagkakataon na patunayan sa'yo ang suporta ko. Marami akong binuo na mga plano kung paano kita matutulungang maabot ang pangarap mo. Handa akong isakripisyo ang sarili kong mga pangarap para lang maabot mo ang sa'yo. Sayang... ipinagkait mo sa akin ang pagkakataon na kinailangan ko.

Para sa isang tao na bumuo ng maraming pangarap para sa buong pamilya niya, iisang pangarap ang natira na para sa sarili mo lamang. Minsan nasabi mo sa akin na pangarap mong magkaroon ng sarili mong pamilya. Akala ko noon pwedeng ako ang maging katuparan ng pangarap mong iyon. Mali ako. It is not to my privilege. Wala sa akin ang pribilehiyo na tuparin ang pangarap mong iyon. Aaminin ko, gusto kong ako ang maging katuparan nun. Pero hanggang gusto lang ako. Ako lang ang may gusto. Noon, tinatanong mo ako kung kailan ko gustong sumama sa'yo. Tumatanggi ako. Hindi dahil sa ayaw ko. Kung hindi, alam kong mali ang sumama sa'yo gayong alam ko na ako lang inaasahan ng pamilya ko. Hanggang sa naunahan na ako ng panahon. Naubusan na ako ng pagkakataon. Hindi mo alam kung anong sarap sa pakiramdam ko sa twing tinatawag mo akong misis mo noon. Umasa akong balang-araw magiging legal nang magagamit ko ang apelyido mo, karugtong ng pangalan ko. Pero ngayon, sa isang iglap, kahit kailan pala ay hindi na magiging magkarugtong ang mga pangalan natin.

Kahit na gano'n, ipagdarasal ko pa rin na sana balang-araw, iyang nag-iisang pangarap mo na yan para sa sarili mo, ay matupad. Hindi man ako ang makasama mo. Hindi parating dinidinig ng Diyos ang lahat ng panalangin ko sa Kaniya. Pero sana, itong hiling ko na ito, dinggin Niya. Dahil alam kong magiging isa kang mabuting asawa at ama. Hindi man para sa akin ang hiling ko na ito, masaya na ako kung didinggin Niya dahil gusto kong makuha mo ang kaisa-isang pangarap mo para sa sarili mo. Sa ganitong paraan man lamang, maipaabot ko sa'yo ang pagmamahal ko.

Tuesday, September 1, 2009

Soar...

Sabi ng kaibigan ko kanina, wala na daw akong pakialam sa'yo, wala ka na daw sa puso ko. Pero alam mo, ang totoo, meron akong pakialam sa'yo. At hindi pa rin nagbabago kung ano ka sa puso ko dati.. hanggang ngayon, mahalaga ka pa rin sa akin. Mahal pa rin kasi kita.

Sinabi ko sa kaniya kanina na bahala ka kung saan ka masaya eh di sige. Totoo yun. Gusto ko lang kasi maging masaya ka. Yun din ang dahilan kung bakit hinayaan kita. Narealize ko kasi na para kang isang ibon, cliché as it may seem. Mas masaya ka pag malaya kang nakakalipad. Ayaw mo ng ikinukulong ka. Ayaw mo ng pinakikialaman ka.

Ang totoo, hindi ko alam kung kaya kong palayain ka. Hindi ko alam kung kaya kong wala ka. Ngayon pa lang nahihirapan na ako. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Hindi ko kayang pilitin ang sarili ko na wag kang mahalin. Pero anong magagawa ko kung ayaw mo na? Anong magagawa ko kung ikaw na ang bumitiw? Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganito. Hirap nanaman akong mag-move on. Kung tutuusin, nakakapanghinayang. Madami na tayong nabuong pangarap. Madami na tayong plano. Mga pangarap at plano na para sa atin. Isang buhay na tayo ang magkasama.

Ngayong wala ka na sa akin, hindi ko alam kung paano ko muling bubuohin ang pangarap na hindi ka kasama. Hindi ko alam kung paano ko muling haharapin ang bawat araw na nag-iisa ako. Iisipin mo na ma-drama pero yan ang totoo. Naniwala ako na ikaw na.

Maraming nagsalita tungkol sa'yo. Marami akong narinig na laban sa'yo. Pero hindi ko sila binigyan ng pagkakataon. Pumili ako. At ikaw ang pinili ko. Ikaw ang pinaniwalaan ko.

Pero kung talagang hanggang dito na lang tayo, kung dito ka sasaya... tulad ng isang ibon. Hahayaan kitang lumipad. Hindi kita hahadlangan. Ibibigay ko sa'yo. Kahit mag-iisa ako. Kahit masasaktan ako. Kahit ito lang ang maibigay ko. Sumaya ka lang.

Kahit kailan, hindi ko inisip o ginusto na hadlangan ka sa mga pangarap mo. Hindi mo lang ako nabigyan ng pagkakataon na ipakita sa'yo ang suporta ko.

Friday, August 28, 2009

Ang Baso At Ang Puso

My friend sent me a forwarded quote the other day and it goes like this...

"Ang friend parang baso
minsan puno ng laman
minsan walang wala at nakataob
madalas napapabayaan
bumabagsak at nababasag
pero kung ikaw nabasag
pupulutin kita
di bale masugatan ako,
mabuo lang kita"

Simpleng quote para sa kaibigan di ba? Pero siyempre, dahil sa I'm still mending a broken heart, hindi maiiwasang i-relate ko ito sa katayuan ng puso ko.

Para sa taong mahal ko:
Kahit kailan, hindi ko itinago sa'yo kung gaano kita ka-mahal. Hindi ko ipinagkait sa'yo na malaman mo kung anong halaga mo sa akin. Masakit man ang nangyari sa atin, gusto kong malaman mo, na sa buhay ko, para ka ring isang baso. Hindi makukumpleto ang bawat araw ko kung wala ka, ibig sabihin, kailangan kita. Hindi kita pababayaan na matabing dahil baka mahulog ka, ibig sabihin, importante ka. Pero kung maaari, hindi kita gagamitin, ilalagay kita sa kung saan hindi ka madaling mababasag at marurumihan. Pakakaingatan kita. Ilalagay kita sa isang pedestal. Poproteksiyonan kita.

Kung sakaling ika'y mahulog at mabasag, ika'y aking pupulutin at bubuohin kahit na masugatan pa ako. At kung sakali nga na ako'y masugatan habang ika'y binubuo, huwag kang magalala, hindi ako magrereklamo at hindi rin ako titigil. Kailangan mong mabuo muli kahit na ano pa ang maging kapalit. Iyan ang sakripisyong kaya kong gawin para sa ikabubuti mo. Lahat gagawin ko, mabuo lang kita. At sa pagkakabuo mo, muli kitang ilalagay sa pedestal para hangaan ng mga makakakita sa'yo. At kung sa paghanga nila ay naisin nilang mapasa-kanila ka, ako'y magpaparaya. Hindi kita ipagdadamot kung alam kong mas maaalagaan ka nila. Ibibigay kita at ibibilin kong pakaingatan ka.

Kung dala ng mapagbirong tadhana ay muli kang mabasag at ibalik sa akin, hindi kita itatapon o tatanggihan. Tatanggapin kita at muli kong gagawin ang lahat upang mabuo ka. Ibubuhos ko ulit ang buong puso ko para lang buohin ang isang baso na minsang bumuo sa buhay ko.

Thursday, August 13, 2009

So Near and Yet So Far...

Whenever I would pass by this market when I go home from work, I would always find myself looking at those cute puppies outside the stores. I would often look at them with such fondness. My favorite kind are those pomeranian spitz. And I have seen them at one of those stores before. Since then, I would look out to those stores whenever I would pass by hoping to catch a glimpse of those pomeranian spitz. Sadly, it has been a while since I last saw one.

Kanina, while looking at the stores again hoping that there would be another pomeranian spitz there, I realized that what I am doing does not differ from reality. I have been looking out hoping to catch a glimpse of it and wishing I would finally have it with me. Funny thing is, what I am wishing for is not a pom spitz.

Tulad ng pinagdadaanan ko araw-araw, matagal-tagal na rin akong naghihintay. Siya na lang lagi ang laman ng isip ko, siya lang ang nakikita ko. Umaasa na balang-araw makakasama ko rin siya. Nagbabakasakali na sa masusuklian din niya ako. Pero tulad din ng pom spitz na inaasam ko, hindi ko ito nakukuha. Nandiyan lang siya alam ko. Pero hanggang dun lang, wala na nga sigurong mababago pa. Tulad ng mga pom spitz, hindi ko rin siya kayang abutin. Hanggang pangarap na lang ako. Minsan ko na inakalang pwede pero nabigo ako. Nagkalayo pa rin kami. Pero kahit na nagka-ganon, dumudungaw pa rin ako sa labas, masulyapan ko man lang siya. Hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na ipagdasal na maulit muli.

Pero sa ngayon...
Just like the pomeranian spitz that I have been wishing for,
I can only look...
And just look...

Wednesday, August 12, 2009

Whose Loss?

"Its his loss, not yours."

Madalas natin naririnig yan whenever couples break up. Sasabihin ng friends mo na yung taong nangiwan ang nawalan at hindi yung iniwan. Sa akin, ganon din ang narinig ko. Kawalan daw niya yun at hindi sa akin.

Honestly, kapag iniwan tayo ng taong mahal natin, iisipin mo ba na kawalan niya yun? Naniniwala ka ba talaga na siya ang nawalan at hindi ikaw? Ako kasi, hindi. Paano mo ako makukumbinsi na siya ang nawalan kung ako ang nahihirapan? Kung kawalan niya, bakit ako ang umiiyak? Bakit ako ang nasasaktan? Bakit ako ang hindi ok? Bakit ako ang hindi maka-move on? Kung siya ang nawalan, hindi ba dapat ok na ako ngayon? Hindi ba dapat naka move on na ako? Hindi ba dapat hindi ko na siya naiisip? Hindi ba dapat hindi ako nanghihinayang sa pinagsamahan namin? Hindi ba dapat hindi ko na siya namimiss?

Pero sa kalagayan ko ngayon, I'm far from being ok. Hindi lumilipas ang araw na hindi siya sumasagi sa isip ko. Hindi natatapos ang araw na hindi ako naiiyak dahil naalala ko ang kahapon namin. Oo, negative ako. Nagseself pity ako. Kasi hindi ko maiwasan na sisihin ang sarili ko sa nangyari sa amin. Siguro nga kasalanan ko. Kaya ngayon, ako ang nagsa-suffer. Buti pa siya ok siya. Buti pa siya masaya siya. Eh ako? Nasan ako ngayon? Bakit ang dilim ng mundo ko? Kawalan niya di ba? Pero bakit ako ang stucked sa ganitong sitwasyon?

Masarap paniwalaan na siya ang nawalan at hindi ako. Pero pag tinitingnan ko ang sarili ko, hindi ko maipagkaila na ako ang nawalan at hindi siya. Ako ang nawalan ng minamahal. Ako ang nawalan ng partner. Ako ang nawalan ng karamay. Ako ang nawalan. Umaamin ako.

Hindi ako magmamataas. Hindi ako magpapanggap na ok lang sa akin dahil naniniwala akong hindi ako ang nawalan. Magpapakatotoo ako. Ako ang nawalan. Mahal ko siya at ako ang iniwan. Kawalan siya sa akin. Yan ang totoo.

Tuesday, August 11, 2009

Love... Is It Worth It? Part 2

Ilang beses na akong nagmahal. Ilang beses na rin akong nasaktan. Sabi ng mga kaibigan ko, iba daw ako magmahal. Yung tipong ibibigay ang buong puso. Iaalay ang buong buhay para lang sa taong mahal ko. Oo nga, tama sila, ganon nga ako. Sobra kung magmahal. Kaya nga 'pag nasaktan, sobra din. Tulad ngayon... Sobra ko siyang minahal. Halos paikutin ko ang buong mundo ko sa kaniya. HALOS, dahil hindi ko naman isinantabi ang pamilya ko kapalit niya. Pero inaamin ko, binago ko ang takbo ng buhay ko. Binago ko, ayon sa plano niya. Binago ko, para kasama siya. Pinagpalit ko bawat pangarap ko, para sa kaniya. Akala ko ok na. Wala ng problema. Pero, mali ako.

Nag-adjust ako, pero hindi pa rin sapat. Nagbago ako pero kulang pa rin. Kung iisipin, lahat na yata ng pwede at dapat kong gawin, ginawa ko na. So, bakit ganon? Nawala pa rin siya? Minsan, naisip ko, unfair ang buhay. Bakit? Kasi ba naman, may mga taong hindi naman marunong magmahal, yun bang tipong pinaglalaruan lang ang mga tao sa paligid niya, pero minamahal ng totoo. Samantalang yung mga taong nagmamahal ng totoo, heto, tinatapon lang. Unfair noh?! Bakit ba kasi hindi pwedeng yung mahal mo, mahal ka rin. Para wala nang malungkot. Hindi ba pwede yun? Yung magmahal nang hindi ka iiyak? Bitter ako noh? Actually, alam ko naman na pwede naman mangyari na pag nagmahal ka, hindi ka iiyak. Yun nga lang, dapat yung taong mahal mo, mahal ka rin. Para hindi ka iiyak.

Pero.. hindi rin. Minsan kasi kulang ang pagmamahal lang. Parang sa amin.. Mahal naman namin ang isa't isa. Pero iyakan pa rin ang ending namin. Hindi ko alam kung paano ang gagawin ko para maayos. O kung maayos pa ba. Hindi ko alam kung paano kami nagkaganito. O siguro, ayaw ko lang harapin. Mahirap kasi harapin yun eh. Yung bagay na naglayo sa inyo. Parang babalikan mo nanaman ang mga pangyayari. Parang flashback na nangyayari sa mga pelikula. Hindi ba kapag nagmumuni-muni ang mga bida sa pelikula at binabalikan ang mga pangyayari sa buhay nila, madalas sa hindi, umiiyak sila? Ganon din kasi ang nangyayari sa akin eh. Sa tuwing babalikan ko ang mga araw na magkasama kami, naiiyak ako. Masakit eh.

We used to be happy. Perfect na nga sana eh. Pero itong si LIFE nanggulo. Ewan ko nga ba kung anong kasalanan ko sa LIFE. Para bang ang laki ng galit niya sa akin. Parang bawal akong maging masaya. Parang ayaw niya akong sumaya. Hindi ko maintindihan kung bakit ganon. Wala naman akong inaapakan. Pero bakit hindi niya na lang ako hayaang maging masaya sa piling ng taong mahal ko at mahal ako? Simple lang naman ang hiling ko eh. Gusto ko lang maging masaya. Wala naman akong hinihiling na magpapahamak sa iba. Ni hindi ako humingi ng materyal na bagay. Siya lang ang hiniling ko. Siya lang. Pero siyempre, as usual, hindi nanaman ako pinagbigyan. Simple lang na hiling pero hindi pa rin pwedeng mapagbigyan.

Ang hinihiling ko na lang ngayon, maging ok na ako. Pero siyempre, as if its such a big wish, bigo nanaman ako na makamtan yun. Bakit ba hindi na lang pwedeng ok na ako? Hanggang kailan ko ba dapat na maramdaman yung sakit? Kailangan ba namnamin ko bawat kirot ng puso ko? Kung bakit naman kasi sa dami ng advanced technology na meron tayo ngayon, bakit wala pa'ng nakakaimbento ng band-aid para sa sugatang puso? Bakit walang aspirin sa pusong makirot? Wala bang bakuna para sa puso para hindi tamaan ng heartache?

Kung sa iba, worthy of pain daw ang love.. Well, I beg to disagree.. Pero para sa akin, its not worthy. I may sound bitter here pero kasi hindi talaga eh. Ako, kung pupwede sana, ayoko nang magmahal. Kasi kakambal ng pagmamahal ang sakit. Once na nagmahal ka, exposed ka sa pain. Kaya kung pwede sana ayoko na talagang magmahal pa. Para hindi na rin ako masaktan. I just want to avoid risking myself from being hurt. Siya na lang sana ang huling taong mamahalin ko. Sapat na. Hindi bale nang mag isa. Basta't 'wag lang masasaktan ulit ang puso ko. Kasi, pag nasaktan ulit ako, baka hindi ko na kayanin pa. Ngayon pa lang, hindi ko na kinakaya. Para akong nadudurog. Parang napakadilim ng daan na tinatahak ko. Masakit. Pero aaminin ko, siya pa rin ang mahal ko. Siya pa rin ang gusto ko.

Siya pa rin.
Kahit na alam kong sa kaniya...
hindi na ako.

Friday, July 31, 2009

Love.. Is It Worth It?

Mula ng na-uso ang text, wala nang tigil ang mga tao sa pag-forward ng quotes. Ako, nabasa ko na yata halos lahat ng quotes.. andiyan yung for friends, yung for parents, for graduation, birthday, christmas, new year, at kung ano-ano pang holidays na meron at wala sa kalendaryo. Siyempre, andiyan din ang kay God, at, mawawala ba naman ang tungkol sa love?
Diyan sa love na iyan, maraming marami na akong nabasa niyan. May love lost, love found, love na torpe, love na pa-kapalan, love na selfish, love na martir, love na lumipas na, at love na kauusbong pa lang. May true love, platonic love, pang happy ending, at siyempre yung pang-drama.
Sa lahat ng mga yan, nakaka-relate ako madalas sa mga love lost, love na martir, at yung parating iyakan ang ending. Ewan ko ba, parang pinagtampuhan ako ni Kupido. Hindi naman ako maarte, ni hindi nga mataas ang standards ko eh. Pero bakit ganun, iyakan blues pa rin ang ending?! Tapat naman ako magmahal, puro, at buong puso. Kumbaga, tipong "malinis po ang intensiyon ko sa anak niyo" ang linya ko. Pero wala pa rin eh. Minsan naisip ko, taasan ko kaya ang standards ko, yun bang 'sing yaman ni Bill Gates, 'sing bait ng tupa, 'sing yummy ni Piolo Pascual o ni Brad Pitt. Pero naisip ko din, kung maghahanap ako ng ganon, hindi kaya tigok na ako, wala pa rin akong makitang ganon. Eh prince charming ang hanap ko nun eh, yung mga prince charming na napapanood lang.
Sabi sa mga forwarded quotes na nabasa ko, love is worthy of any pain it may give you. Kung ako ang tatanungin, hindi rin. Sa ilang beses akong nasaktan, hindi ko masasabi na its all worthy when the time comes that I fall again. Hindi worthy. Bakit? Ganito yun eh...
Kapag na-hurt ka, iyak ka ng iyak. May ibang hindi umiiyak , yun yung mga tinatago lang ang damdamin, na halos mabaliw dahil malapit ng sumabog ang dibdib. O di kaya naman, sila yung mga nanakit, malamang hindi sila gaanong maaapektohan. May iba diyan , suicidal ang drama sa buhay. Pati billboard sa EDSA, dinadamay sa lovelife nila. Yung iba naman, di mo malaman kung gusto lang talagang mag-diet, nahiya lang siguro magsabi na gustong mag-diet, sinisi pa ang palpak na lovelife. Paano naman kasi, yung kanin na inihain sa kaniya eh naging tutong na, tinitigan lang kasi. Meron din siyempreng kasalungat niyan. Yan yung mga taong "depressed" kuno kaya wala nang ginawa kundi lumamon ng lumamon. Pambihira, natakam lang sa mga pagkain, ginamit pa ang dahilan na depressed daw kaya di na nawalan ng nginunguya. Meron naman diyang gustong ma-experience kung paano maging 7/11. Paano ba naman, magdamag gising. Hindi daw makatulog ka-iisip sa taong nang-iwan sa kaniya. Nako 'tol, insomniac ka lang talaga. Try mo magpa-check up.
As for me, ako yung tipo na iyakin. Yun bang kahit saan abutin ng luha eh hindi mo mapipigilan. Langya, hindi rin pala naging mas maganda kesa sa mga una kong nabanggit. Paano naman kasi, sadya na ngang iyakin ako, yun pa kayang masaktan pa ako. Nandiyan yung marinig ko lang yung theme song namin, luluha na mga mata ko. Kapag madaan sa lugar na napuntahan namin, lulugo-lugo na ako. Pati nga sa TV eh, pag may napanood na may similarities sa nangyari sa amin eh nakikiiyak ako.
Oo nga, pag na-inlove ka, masaya talaga. Para kang nililipad sa alapaap. Pinagtitinginan ka ng mga taong nakakasalubong mo sa kalye dahil nangingiti kang magisa dahil may naalala ka tungkol sa kaniya. In short, para kang adik!
Teka, oo nga noh, kapag in-love ka o broken-hearted ka man, pareho lang ang epekto. Nagmumukha kang baliw. Nakaka-adik!
Tsk! Ang buhay nga naman..


(Itutuloy)

Behind This...

I used to ramble about my feelings but who would really be interested to listen to me over and over again? My bestfriend used to listen to me no matter how shallow the topic. Well, mostly, its a matter of the heart. Now that she is in HK, I dont really have anyone who will patiently listen to my melo-dramatic ramblings. Which is why I have to create a space. Or is it a WASTE of space? Anyway, waste as it may seem, I have to do it so that I'll have somewhere to spit my heart tears into.
 

Free Website templatesSEO Web Design AgencyMusic Videos Onlinefreethemes4all.comFree Blog TemplatesLast NewsFree CMS TemplatesFree CSS TemplatesFree Soccer VideosFree Wordpress ThemesFree Web Templates