Monday, August 30, 2010

When a tear falls

Minsan nakakainis, ang bigat ng dala mo gustong-gusto mo umiyak pero wala ka naman mailuha. Pinipilit mong umiyak pero hindi mo magawa. Ang daming bumabagabag sa'yo. marami kang gustong sabihin pero hindi mo masabi dahil alam mong hindi tama. At siguro, alam mo rin na walang makikinig, o makakaintindi. Pero 'pag dumating yung araw na punong-puno ka na at para nang sasabog ang dibdib mo, kahit saan ka abutin ng luha, hindi mo mapipigilan. Gustuhin mo mang pigilin, hindi sapat ang lakas mo para mapatigil ang luha mo. Dadaloy at dadaloy siya, kasama ng lahat ng tiniis at naipon mong sama ng loob. Hindi mo siya mapapakiusapan na "huwag muna" aagos siya na walang pakialam kung sino ang nakakakita. Ang masama pa, habang dumadaloy siya, kasabay nun, bumabalik ang bawat sakit na tinago mo. Bawat alaala na naipon. Bawat salita na gusto mong sabihin at marinig. Bawat pagmamahal na gusto mong maramdaman at ipadama. Bawat pagkakamali na pinagsisisihan mo at gusto mong balikan para baguhin. Bawat pangarap na gusto mong mangyari pero huli na.

Yan ang pait ng bawat luha na tumutulo mula sa mga mata ko. Pigilan ko man ang isip ko, kung ano man ang laman ng puso ko, ilalabas pa rin ng luha ko. Kung kaya lang sana makita ng mga dapat na makakita ang damdamin ko sa bawat butil ng luha ko...

Thursday, August 12, 2010

Its sad but I have to...

Sabi ng officemate ko, agawin daw kita. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya pero kung alam lang niya.. naisip ko na iyon. Pero hindi ko kaya. Malaki ang paniniwala ko sa golden rule. Hindi ko gugustohin na mangyari sa akin kaya hindi ko rin gagawin sa iba. But sometimes, I cannot help wondering kung puwede ba maging ako na lang. Pero tingin ko, hindi. Shit, I don't even know what is happening to me. I cannot even process this feeling. I know I do not love you. Its too early for that. But I know that this is not just a simple crush. Otherwise, I wouldn't be bothered to care for you that much when you were sick. I miss you. I think of you. I care for you. And silly as it may be, I get hurt. Hurt for the change in our "relationship". Pakiramdam ko kasi iniiwasan mo ako. Although, walang basehan iyon. I'm over analyzing, I know. It has always been the case. And this is what I really hate about myself. At night, before going to sleep, I pray for me to be able to move on, from Mike, and from you. Gusto kitang iwasan, pero nahihirapan ako. Namimiss ko yung treatment mo sa akin noon. Siguro kasi sa'yo ko naranasan yung hindi ko naranasan kay Mike. Siguro ganon lang ang dahilan. At kung may mas hihigit pa doon, hindi ko na alam. At sana hindi mangyari. Dahil alam kong ako lang ito. Ako nanaman. Masasaktan lang ako. Sana I get to keep you as a friend. A bestfriend maybe. Pero sana, I get to see you also as a friend only.

I want you. You make me happy. Pero I cannot. Its sad.. but I have to let you go. I have to forget whatever it is that you made me feel before. I have to see you as a friend and nothing more. Can't afford to let myself fall for someone who wouldn't catch me. It has already been too much for me. Letting you go. Even if it hurts.

Thursday, August 5, 2010

Theme Songs

Nasa mall ako kanina, naghahanap ng makakainan bago ko ituloy ang gagawin ko. Paakyat ako ng escalator nang may marinig akong kanta. Nung una hindi ko pa masyadong marinig ng malinaw kung anong kanta ang tumutugtog, basta ang alam ko lang parang pamilyar ang ilang nota na naririnig ko. Nung finally medyo lumakas na ang tugtog, natauhan ako. "Everything You Do" pala yun. Theme song namin ni Mike. Nakakatawa lang dahil dati, not even once na narinig ko iyan sa kahit na saang lugar. Siguro kasi hindi naman iyon gaanong sumikat. Kaya nagulat na rin ako na narinig ko siya sa RP kanina. Although yung last phrase na lang ang narinig ko.

Isang bagay ang narealize ko. Kaya ko na nga siguro na marinig ang kanta na iyon nang hindi ako umiiyak. Ni kirot, wala akong naramdaman kanina. Hindi ko lang alam kung dahil ba iyon sa nagiisip ako ng makakainan nung marinig ko iyon o dahil sa talagang kaya ko na, o baka naman kasi last phrase lang naman ang narinig ko talaga. Hindi ko pa kasi nasusubukan na pakinggan ang theme songs namin para ma-test ko ang sarili ko kung ok na nga ba ako. Ito lang ang first time na napakinggan ko ang kanta namin at masaya ako na hindi ako naapektohan man lang. Sana nga ito ay dahil sa naka-move on na nga ako. :-)

Tuesday, August 3, 2010

Nanaman

Halos hindi ako nakatulog kagabi sa nalaman ko. Matagal ko nang nararamdaman at naiisip pero ayaw kong paniwalaan. Kagabi ko napatunayan na tama ako. Nasaktan ako nang malaman kong may girlfriend ka na. Ang sakit. Pero teka, bakit nga ba ako masasaktan, crush lang naman kita di ba. Halos hindi ako nakatulog kagabi. At hanggang ngayon, hindi ko makalimutan iyon. Hindi ko maintindihan kung bakit gusto mo akong tawaging "best". Ok na sana nung huli na tinawag mo ako sa pangalan ko. Pero sayang. Huli na. Hinihingi mo yung picture nating dalawa pero ayaw ko ibigay. Hindi na kailangan kasi. Aanhin mo naman yun, baka magkagulo lang.

Nasaktan ako. Pero kailangan kong iwasan ka, kahit saglit lang, para hayaan ang sarili ko na makalimot man lang. Then we'll be friends again. Maybe you can be my guy bestfriend after all. Sana nga.


 

Free Website templatesSEO Web Design AgencyMusic Videos Onlinefreethemes4all.comFree Blog TemplatesLast NewsFree CMS TemplatesFree CSS TemplatesFree Soccer VideosFree Wordpress ThemesFree Web Templates