Ilang beses na akong nagmahal. Ilang beses na rin akong nasaktan. Sabi ng mga kaibigan ko, iba daw ako magmahal. Yung tipong ibibigay ang buong puso. Iaalay ang buong buhay para lang sa taong mahal ko. Oo nga, tama sila, ganon nga ako. Sobra kung magmahal. Kaya nga 'pag nasaktan, sobra din. Tulad ngayon... Sobra ko siyang minahal. Halos paikutin ko ang buong mundo ko sa kaniya. HALOS, dahil hindi ko naman isinantabi ang pamilya ko kapalit niya. Pero inaamin ko, binago ko ang takbo ng buhay ko. Binago ko, ayon sa plano niya. Binago ko, para kasama siya. Pinagpalit ko bawat pangarap ko, para sa kaniya. Akala ko ok na. Wala ng problema. Pero, mali ako.
Nag-adjust ako, pero hindi pa rin sapat. Nagbago ako pero kulang pa rin. Kung iisipin, lahat na yata ng pwede at dapat kong gawin, ginawa ko na. So, bakit ganon? Nawala pa rin siya? Minsan, naisip ko, unfair ang buhay. Bakit? Kasi ba naman, may mga taong hindi naman marunong magmahal, yun bang tipong pinaglalaruan lang ang mga tao sa paligid niya, pero minamahal ng totoo. Samantalang yung mga taong nagmamahal ng totoo, heto, tinatapon lang. Unfair noh?! Bakit ba kasi hindi pwedeng yung mahal mo, mahal ka rin. Para wala nang malungkot. Hindi ba pwede yun? Yung magmahal nang hindi ka iiyak? Bitter ako noh? Actually, alam ko naman na pwede naman mangyari na pag nagmahal ka, hindi ka iiyak. Yun nga lang, dapat yung taong mahal mo, mahal ka rin. Para hindi ka iiyak.
Pero.. hindi rin. Minsan kasi kulang ang pagmamahal lang. Parang sa amin.. Mahal naman namin ang isa't isa. Pero iyakan pa rin ang ending namin. Hindi ko alam kung paano ang gagawin ko para maayos. O kung maayos pa ba. Hindi ko alam kung paano kami nagkaganito. O siguro, ayaw ko lang harapin. Mahirap kasi harapin yun eh. Yung bagay na naglayo sa inyo. Parang babalikan mo nanaman ang mga pangyayari. Parang flashback na nangyayari sa mga pelikula. Hindi ba kapag nagmumuni-muni ang mga bida sa pelikula at binabalikan ang mga pangyayari sa buhay nila, madalas sa hindi, umiiyak sila? Ganon din kasi ang nangyayari sa akin eh. Sa tuwing babalikan ko ang mga araw na magkasama kami, naiiyak ako. Masakit eh.
We used to be happy. Perfect na nga sana eh. Pero itong si LIFE nanggulo. Ewan ko nga ba kung anong kasalanan ko sa LIFE. Para bang ang laki ng galit niya sa akin. Parang bawal akong maging masaya. Parang ayaw niya akong sumaya. Hindi ko maintindihan kung bakit ganon. Wala naman akong inaapakan. Pero bakit hindi niya na lang ako hayaang maging masaya sa piling ng taong mahal ko at mahal ako? Simple lang naman ang hiling ko eh. Gusto ko lang maging masaya. Wala naman akong hinihiling na magpapahamak sa iba. Ni hindi ako humingi ng materyal na bagay. Siya lang ang hiniling ko. Siya lang. Pero siyempre, as usual, hindi nanaman ako pinagbigyan. Simple lang na hiling pero hindi pa rin pwedeng mapagbigyan.
Ang hinihiling ko na lang ngayon, maging ok na ako. Pero siyempre, as if its such a big wish, bigo nanaman ako na makamtan yun. Bakit ba hindi na lang pwedeng ok na ako? Hanggang kailan ko ba dapat na maramdaman yung sakit? Kailangan ba namnamin ko bawat kirot ng puso ko? Kung bakit naman kasi sa dami ng advanced technology na meron tayo ngayon, bakit wala pa'ng nakakaimbento ng band-aid para sa sugatang puso? Bakit walang aspirin sa pusong makirot? Wala bang bakuna para sa puso para hindi tamaan ng heartache?
Kung sa iba, worthy of pain daw ang love.. Well, I beg to disagree.. Pero para sa akin, its not worthy. I may sound bitter here pero kasi hindi talaga eh. Ako, kung pupwede sana, ayoko nang magmahal. Kasi kakambal ng pagmamahal ang sakit. Once na nagmahal ka, exposed ka sa pain. Kaya kung pwede sana ayoko na talagang magmahal pa. Para hindi na rin ako masaktan. I just want to avoid risking myself from being hurt. Siya na lang sana ang huling taong mamahalin ko. Sapat na. Hindi bale nang mag isa. Basta't 'wag lang masasaktan ulit ang puso ko. Kasi, pag nasaktan ulit ako, baka hindi ko na kayanin pa. Ngayon pa lang, hindi ko na kinakaya. Para akong nadudurog. Parang napakadilim ng daan na tinatahak ko. Masakit. Pero aaminin ko, siya pa rin ang mahal ko. Siya pa rin ang gusto ko.
Siya pa rin.
Kahit na alam kong sa kaniya...
No comments:
Post a Comment