Tuesday, June 29, 2010

Blessing in Disguise

Uwian na kahapon, pero ang lakas ng ulan. Saktong 5:30 nang umalis ako ng opisina kaya alam ko na hindi ko siya makikita. Pagdating ko sa baba, hindi na ako tumuloy dahil sa lakas ng ulan siguradong hindi kakayanin ng maliit kong payong. So bumalik ako sa loob at naghintay ng elevator. Yung elevator sa kanan ko tumigil sa 5th floor on its way down. I was hopeful, naisip ko baka siya na yun. I was anticipating this when the elevator door opened. Siya nga!!! Marami na kaming naipon nung dumating siya pero ako ang unang pumasok sa elevator. Nag-good afternoon siya sa akin pero ang sagot ko sa kaniya "hindi ako makauwi" pero pabulong lang. Nung sinara na niya ang pintuan, sumulyap siya sa akin. Tapos nung paakyat na kami, nakayuko lang siya, kung hindi naman nakasandal siya tapos nakapikit. Tapos siyempre ako naman, tinititigan ko lang siya. Nung makarating na kami sa 7th floor, lumabas na ako. Nararamdaman kong tinitingnan niya ako pero hindi na ako lumingon. Mahirap nang may ibang makakita. Pagpasok ko sa office, pinahiram ako nila madam ng payong. Tapos sabi ko kay Prime, hintayin ko siya sa 5th floor.

Nung pumindot na ako sa elevator, yung kaliwa ang nauuna bumaba. I was a little skeptic na hindi siya yung nandoon. Pero something inside me says it is him who's in there. Totoo nga, siya nga yung nandoon. Sabi niya good evening. Sabi ko 5th floor. Hehehe. Sabi niya "4th floor?" Sabi ko "5th... antok ka na?" "oo.." sabay sandal nanaman siya, kahit na nakatayo siya at hawak niya ang log book niya. Tapos sabi ko "hindi ako makauwi" "sabay na lang tayo" "sige! Hanggang anung oras ka?" "7" "sige, hatid mo ko?" "kasi may payong ka eh, ako wala" Eh nasa 5th floor na kami, so lumabas na ako pero nilingon ko siya "ginamit mo pa ako" sabay tawa. Tawa rin siya. Tapos tumuloy na ako sa Rec. Area.

Habang nasa Rec. Area ako, lalong lumalakas ang ulan. Habang nagpapatila ako ng ulan, I was wondering kung nasaan na siya. Kasi ang alam ko, tig-15 mins lang ang break nila kaya nagtataka ako kung nasaan na siya. 6PM na pero malakas pa rin ang ulan, although unti-unti itong humihina. I thought, baka pinapwesto siya sa kung saan. So tinext ko na si Prime na humihina na ang ulan. So habang hinihintay ko si Prime, dahil nagaayos siya ng gamit niya, nandoon lang ako. Nakatingin ako sa kanang parte, doon sa may playground part dahil doon rin ako sa side na yun umupo. Kung saan ko sinulat ang tula ko kay Noel. 6:10 na yata noon nang biglang may nagsalita sa gawing kaliwa ko "tara na." Pag lingon ko, si Noel nga. Sabi ko "wala ka bang payong?" "wala" "saan ka ba umuuwi?" "Espana" "Eh hindi dapat ulan ang problemahin mo, baha." "Oo nga pala.." Tapos upo siya sa hawakan nung upuan sa may kanan ko. "parang pinanggalingan ko rin... UST". Pause. Tapos inabot ko sa kaniya yung payong. "Balik mo na lang sa akin bukas. Wag mo kalimutan ha sa office yan eh." "Pano ka?" "Meron akong payong, kaya lang kasi cute eh kaya yung ulan kanina, hindi kakayanin. Kaya ayan, basta wag mo kalimutan bukas." "Ang sweet naman. May payong ka ha, baka wala." "Meron ako." "Patingin nga." "Meron, nasa bag ko" "Patingin nga... baka wala." "Meron nga, bakit ko naman ibibigay sa'yo yan kung wala ako di ba" Eh tamang kinuha ko yung cellphone ko sa bag at habang binubuksan ko ang bag ko, sinabi niya ulit na patingin daw kung talagang may payong ako. Kaya pinakita ko. "Dalawang beses ko lang naranasan ang baha sa UST. Pero mababaw lang." "Hanggang saan.. dito?" Tapos ginamit niya yung payong na panturo sa pantalon ko, sa may ankle. "Hindi naman, mababaw lang as in." Tapos sabi niya "ako, 2 beses ko din naranasan ang baha". Yung isang beses daw hanggang hita, tapos yung isa pati daw yung jeep ayaw nang tumuloy babalik na lang. Kaya bumalik na lang din siya. Tapos sabi niya, OT yung partner niya doon sa labas dahil hindi na siya nakapasok. Tapos tinanong ko siya kung paano ba shift nila. Sabi niya 'pag night-shift daw sila, nagli-leave na lang ng Sunday para sa day-shift. "36 hours na nga ako eh. absent yung isa." "ganon? eh anu nga pala ang ginagawa mo pag night-shift ka?" "ganun din" "eh anung niro-rove mo?" "ganun din. mga busted na ilaw...nakabukas na pintuan.." Tapos napunta usapan namin sa nung araw na naghagdanan kami. Sabi ko "ayaw mo nga maghagdanan noon eh." "Pagod na kasi ako.. nakailang balik na ako sa hagdanan. Kung mga dalawa pa lang, ok lang." "fine..." "sumama naman ako maghagdanan ah." "Oo, sa pilitan pa." "gusto ko kasi magelevator tayo." All the while na magkausap kami, kung ano-ano ang ginagawa niya sa akin with the payong. Tapos eh merong isang time na gusto ko siya kurutin rin as ganti sa mga pinaggagagawa niya sa akin. Eh sinasangga niya ako, hinawakan niya kamay ko. Pero binitiwan din niya agad nung binawi ko. Tapos sabi niya sa akin "ang sarap ng trabaho niyo, walang ginagawa. dapat mag-rove ka rin." Tapos habang magka-text kami ni Prime, sabi niya "mam, pwede... bang... mahingi... yung number niyo?" Habang sinasabi niya yan, lumilingon siya sa kanan niya, parang umiiwas ng tingin tapos pa-hina ng pa-hina yung boses niya parang nahihiya. "baket?" "para pag anu, pag kailangan ko ng tulong niyo.." "talaga naman.. ako pa ang tutulong sa'yo.." ngiti siya. "sige, imemorize mo ha." Tapos binanggit ko ng mabilis yung cp number ko. Ngiti siya, "bagalan niyo naman mam" "sige.. 0..9..2.." tawa siya ang bagal naman daw. Tapos sabi niya "0922, eh di sun kayo mam". "Hindi, tao ako." gusto nanaman niya akong kurutin. Tapos sabi niya "smart ako, pero hindi na maganda ang smart ngayon." "eh bakit ka naka-smart" "eh tinatamad akong bumili ng sun eh" "wow, parang ang layo ah." "eh diretso bahay ako mam eh" "parang ang layo ng pagbibilhan mo ah.. ilang hakbang lang ang SM." Then there was a pause.. a rather short one. Pareho lang kaming nakaupo. "kamusta na yung boyfriend niyo...yung nasa abroad ba..?" "sana hindi mo na lang tinanong.. ang bait mo talaga sa akin. Ayun kahapon ko lang nalaman, nag-asawa na daw." "pagkatapos ng lahat ganun lang? siya yung nasa abroad di ba.." "davao lang yun." "ah dun siya in-assign?" "oo" "sorry.." "ang dami kong nasayang na luha sa kaniya. Ewan ko ba, nung nalaman ko kahapon, ni hindi ako maiyak." "galit na?" "hindi." "hindi ako galit sa kaniya. lam mo, bihira lang akong magalit. Pero nakakatakot." then I elaborate a bit sa galit...

Pero ang hindi ko makalimutan, at ang pinakakinakikiligan ko... marahan niya akong kinurot sa pisngi. Sa kanan. Yung ang gamit lang niya eh yung likod ng daliri niya, pero hindi naman niya diniinan, kaya parang ang nangyari eh, hinaplos lang niya ang pisngi ko. Pero before pa niya magawa iyon, nakatingin kasi kami sa isa't-isa so alam ko na na yun ang gagawin niya pero hesitant ako. At feeling ko hesitant din siya kasi ang tagal bago tuluyang dumampi ang kamay niya sa mukha ko. Pero ang isa pang lalong nakapagpa-kilig ay yung tingin niya sa akin habang nilalapit niya ang kamay niya sa mukha ko. Ang lambing. Yun bang parang halong tuwa at hanga. Hahahaha. Tapos nabanggit niya sa akin na isang oras siyang walang ginagawa kapag ganung oras na. Dahil 'pagkatapos niya sa elevator, maghihintay na lang siya ng 7PM. Tapos nung mga 6:35 niya, sabi niya "tara.. dun na tayo sa baba." "huh? eh bakit kailangan kasama mo pa ako." sabi ko ng patawa. Tawa rin siya "sige, ok ka lang diyan?" "yup." "Anung oras ang pasok mo bukas?" para maibalik niya ang payong. "9 to 5:30. dalhin mo na lang sa breaktime." "11:30?" "12:30 to 1:30" "hindi ba 12?" "hinde." "grabe naman iyon, lipas gutom." hindi naman. tsaka mabait si boss, minsan kahit wala pang 12:30 pinapakain na niya ako." "so, bukas idadaan ko lang ito." "oo, katok ka lang." "bye.." kinawayan ko siya tapos umalis na siya.

Pag baba namin ni Prime, tamang-tama paalis na siya galing sa reception. Pero feeling ko nakita niya ako, kasi nahagip din ng mata ko siya. Tapos bumalik siya, kinausap niya yung guard sa entrance, but somehow, I feel like sinadya niyang bumalik. Then halos magkasabay kami sa entrance, palabas. Pero pinauna niya kami, pero hindi ko siya tinitingnan kunwari super busy kami ni Prime. Tapos lumabas siya, pero feeling ko talagang lumabas lang siya para tingnan kami maglakad palabas. I can feel his eyes on my back kasi. At hanggang ngayon, naaamoy ko pa ang pabango niya. Yung parang powder fresh na scent. Pero hindi overpowering. Tsalap. Hahaha.

Ayun. Tapos kaninang umaga, saktong bumaba ako, nakita ko siya, nakalimutan niya yung payong. Pasaway. Bukas na lang daw. Pero ayos lang. Masaya ako. Masayang-masaya ako.

Friday, June 18, 2010

Thanks Bibo

Inis na inis ako kay Bibo kanina. Uwian na kasi pero hindi pa ako makaalis dahil nagpapatulong siya. Although, in all honesty naman, hindi naman niya solely kasalanan. Kaya lang, sumisingit pa siya ng part ng explanation niya kung bakit hindi niya maintindihan yung interview. Ok lang naman sana, kasi kahit ako, nahirapan ako maintindihan yung sinasabi nung tao sa video, because of the poor sound quality. Kumbaga, gusto kong sabihin sa kaniya na let's just get this over and done with so that I can now go home. You have to understand, today is Friday, last day ko na makita si Noel dahil next week, night shift na ulit siya. Gusto ko lang ng pabaon. Although hindi naman sure na makikita ko siya, feeling ko you are ruining with my chances. Hindi ko na siya nakita kahapon, so kahit papaano sana gusto ko siyang makita ngayon. 5:40 pasado na yata ako nakalabas ng office. Pagdating ko sa elevator, tamang-tama malapit na sa floor namin yung elevator. I am anticipating kung makikita ko siya. Pero wala siya eh. Yung elevator naman sa kabila, yung right side, nasa tuktok pa. Habang pababa yun, nagdasal ako na sana makasabay ko si Noel. Although skeptic na ako kasi usually, 5:30 ko siya nakakasabay sa elevator.

To my surprise, true enough, nandun nga siya! Shet. Talagang hanggang ngayon, kinikilig ako. He was surprised also. He mumbled something when I entered the elevator which is quite inaudible. Kaya I think he was also taken aback. I think he said good afternoon. Well, since medyo maraming tao sa elevator, tumabi na lang ako sa kaniya. Hahaha. I pretended to read my King Tut book pero ang totoo, pinakikiramdaman ko siya. Patay malisya kami. Parang wala lang.
Pero gusto ko sana siyang asarin kasi parang wala siyang kagana-gana. Then, pagdating namin sa 4th floor, may isang girl, yung nakatayo directly sa likod niya ang lalabas. So, tumayo si Noel to allow the girl to pass. Since, ayaw kong masiksik, lumabas din ako para makalabas yung girl. Nung pagpasok ko ulit, nakita kong naka-ilaw lahat ng floors mula 3rd hanggang 1st floor. So dun ako sa likod niya tumayo. Siyempre, habang nasa likod niya ako, ito na ang chance ko. Tinitigan ko likod niya. Tapos nakita ko may nakasukbit na parang revolver sa holster niya. Tapos may nakita akong pamaypay na maroon na nakasukbit sa likod niya. Being playful as I am, gusto ko sana kunin. Pero may dalawa pang tao sa elevator kaya hindi ko ginawa. Plus, alam kong may security camera sa elevator. I don't want to get both of us into trouble. At ayaw kong ma-assign siya sa ibang lugar.

Habang pababa na kami sa 3rd floor, sabi niya "ang daming station noh, mula 3rd, 2nd humihinto. Ang tagal." Sabi ko, "hindi naman masyado." Tapos,since ayaw ko mahinto ang paguusap namin, sabi ko "bakit ikaw ang nandito?" may sinabi siya pero hindi ko naintindihan. Pero alam ko na kung bakit. Tinanong ko lang para may mapagusapan kami. Hehehe. Tapos nung nakarating na kami sa 1st floor, nalito ako. Kasi yung isang guy, hindi kaagad lumabas, eh hinihintay ko siyang mauna. Tapos nung finally lumabas na yung guy, sabi ko "akala ko hindi pa eh". Bago ako tuluyang lumabas, I said "thank you". Tapos nung lumabas na ako, labas na rin siya. Lilipat yata siya sa kabila. Nakalabas na ako ng entrance nang sumigaw siya "ingat mam". Nilingon ko ulit siya at nginitian tapos i mouthed "thank you" to him. Ngiti lang siya. Then I went ahead.

Kaya ayun, kahit na nabuwisit ako kay Bibo, I have to thank him for delaying me. Kung hindi niya ako pina-stay, eh di sana wala akong pabaon. Pero ang laking pasasalamat ko talaga kay God. Pinagbibigyan Niya ako. Sana hangga't healthy pa ito, pagbigyan Niya rin ako. Gusto ko lang ma-retain yung ganito sa amin ni Noel. I will not ask for more than this. I am already satisfied yung makausap ko siya, ngitian niya ako.. Gusto ko pa rin gawin yung mock interview. Pero wala pa akong concrete plan, at hindi pa ako nakakaramdam ng strong urge. Kaya standby muna. Gaya ng sabi ko, kung iyon ang dapat na mangyari, the opportunity will arise on its own perfect timing.

Sa ngayon, maraming maraming salamat po Lord. Hay nako. Kung ganito ba naman parati ang mangyayari pagkatapos akong buwisitin ni Bibo eh di ok lang, di ba. Sarap talaga.

My Bestfriend's Wedding

I am happily devouring my bagel with cream cheese breakfast yesterday morning in the office and complimenting it with a tall cup of freshly brewed coffee while silently praying for my day to be a good one. I was already pissed on my way to work when a lady in her 40's grabbed my cab even as she has already seen me waived at it. I just prayed for a better mood for the rest of the day. It was the day after my bestfriend's birthday. I left a birthday greeting on her YM the other day because she was not online then. I was waiting for her reply yesterday because she always replies with my messages. Then I thought of just sending another birthday greeting, for assurance that she will receive it. True enough she has received it and thanked me for the greeting. I was not expecting for anything unusual then. It never occurred to me that I am going to receive a rather both pleasant, and unpleasant news.

It was after thanking me that she dropped a bomb. Her boyfriend, of whom I never met, nor seen a picture of, has proposed marriage to her the night of her birthday. I was in awe. I cannot seem to process my feelings. I cannot seem to react. I don't know how to react. She has been my bestfriend for many years now. From our high school years, even up to now that we have separated ways. She decided to leave for Hong Kong, where she came from, after graduating from college. I was not surprised with that news because we have already talked about it a few times before. I have always been thinking of the day after her college degree. In a way, I already know that she will go back to Hong Kong to work. I was already prepared, by the time that she told me about this. I have never told her, and if ever I did, I don't think I said it in a very serious manner. When she was about to leave, I remember talking with her on the phone. My voice did not sound sad, nor was the conversation became dramatic. But inside, I cannot explain what I am feeling. Its a mix of sadness, worry, and fear. I feel sad because she, my bestfriend, is leaving me. I am sad that we won't be able to go to the mall together, celebrate our birthdays together, talk endlessly on the phone, things that we shared together. I am worried because she might not come back here and just stay there for good. I am worried that I might not see her again. I am scared of losing my bestfriend. I am afraid of being alone. I am afraid of being left behind.

You see, she is the sister that I never had. She is the friend that I know will stand by me always. She is the person that I know I can run to everytime. She is the only one whom I trust with everything. She is the one whom I know I can depend on. I am afraid of going through the walks of life, alone. She is the only person, my only friend, that even though we are not talking that much, and though many things had already transpired, and though its as if walls had been built between us, the moment we talk again, its as if nothing has changed. No space and time got between us. Its as if its only yesterday that we talked last.

When she told me about the proposal, my first reply is if she has accepted the proposal. When she said yes, I got confused on how to react. Everything is in a jumble. I did not expect her to get married before me. Just like what I said to her, I always thought that I will be the first to enter marriage. It has no negative connotation, but its just because, of the two of us, I am the one who is "crazy" when in love. I am the one who is ready to give up everything for love. Or at least I thought so. She has always been the one to prioritize her studies, her dreams, over relationships. She has always been very careful. I know of her dream. How she wanted to be a licensed accountant in Hong Kong. That is why I was surprised, and honestly, a little disappointed when I learned of the news. She has not yet reached her dream. She haven't even reached halfway yet. I think of how she will be able to reach her dream, especially when a child comes along. Besides, she has only been with this guy for nine months. I know that it is not right to base a relationship on how long you have been together, but still. I know she's an intelligent lady. In fact, sometimes, I feel envious of her intelligence. I trust her to make the right decisions. And always, at that. I know that she is not like me who make stupid decisions driven by passion.

Also one of my concerns, is that she is only 24. She's still got a long way to go. She still has yet to discover many things in this world. She still has yet to experience a lot of things. I sometimes debate with myself that it is already the standard norm of marrying at the age of 24. At least it is not at the age of 20 or 21. But still. I can't seem to let go. Sometimes, I think that I might be only being bitter because I have always thought that I will be the first to get married. But no, because when my then boyfriend asked me to be with him, I refused. Because I know that I am not yet ready. Maybe, it is because I doubt that she is already ready for the married life. But of course, who am I to question her. Of all people, she is the only one who will know if she is already ready to face a new chapter of her life. I trust her to make right decisions. I know she will not enter into something that she is not prepared for. But, I'm worried. This piece of news just does not sit well with me.

I don't know, maybe I think too much. There are still too many things going on my mind, I don't know how to put everything in here. I don't even know how to continue, how to construct it. Maybe I will just blog the continuation later when I have already processed everything. This is just too much for me. Too much for me to handle, to process, and eventually say. Too many thoughts are swirling around my mind. Too many. But I know, eventually, things will clear up. I will be happy for her, when I am assured that she made the right decision. Its just that I still cannot process everything yet. I cannot seem to get myself to accept this, not yet. Maybe because, I am still in shock. When I recover, I trust that everything will turn out exactly how it should be.

Wait for my next entry. And hopefully, by the time I post the next entry, I have already gotten over the shock I'm in right now.

Wednesday, June 16, 2010

Interview

Masaya ako kasi nakita ko siya. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya kasi almost before 12 noon ako bumaba para kunin yung package ni Boss. Actually binalak ko pa nga na hapon ko na lang kunin eh, pagdating ng pasado alas tres. Pero naisip ko na lang na bumaba na. So ayun pagbaba ko, andun siya sa may pintuan namin, sa entrance. Siguro siya ang nag-relieve dun sa naka-poste doon para makapag-lunch yun. Anyway, masaya ako doon. Tapos ngayon naman, nakita ko siya ulit sa Recreation Area. Nag-hi siya akin. Kinawayan ko siya. Hay... doon siya nakaupo sa tapat ng inuupuan ko, na malapit sa terrace. Naisip ko, nakakatawa ang sitwasyon namin. Ilang floors lang ang pagitan namin. Para bang isisigaw ko lang ang pangalan niya dito at maririnig na niya ako. Ewan ko, hindi ko maipaliwanag. Basta, pakiramdam ko, ang lapit lang namin. Parang abot kamay. Nakakatawa dahil alam kong hindi ko siya "maaabot". Sa simpleng dahilan na alam kong hindi na siya malaya.

May binabalak ako, gusto ko siyang makakwentuhan nang matagal-tagal, at nang kaming dalawa lang. Pero alam kong hindi mangyayari yun. Kaya naisip ko, bakit kaya hindi ako magkunwaring "iinterviewhin" ko siya? Pero hindi ako makaisip ng dahilan para interviewhin siya. Ayokong idamay ang opisina. Nagi-guilty naman akong magsinungaling sa kaniya. At, paano kung tumanggi siya? Paano kung sabihin niya sa akin na bawal sa kanila ang magpa interview? Kasi, naisip ko na kukunan ko siya ng stills at ng video na rin using my digicam. Oh di ba, hindi na ako mahihirapan na mag-stolen shot sa kaniya. hahaha. Pero sana pumayag siya. Hindi pa naman sa ngayon. At hindi ko pa alam kung kailan. Hinihintay ko pa, kapag determined na ako saka ko na isasakatuparan ito. But first, I have to think things thoroughly. I have to have a concrete plan. I have to be prepared. I have to have a plan A and a plan B. I don't know if I should go all the way for a plan C. But well.. Anyhow, I am not rushing this one. If it is meant for me to do this, then opportunity will knock on my door on its own.

Monday, June 14, 2010

Urge

Oh shit! I have been reading this blog by a waiter on the net and is being tortured by my urge to blog also. My problem is, I don't have anything to blog about, yet. Today is a holiday, and I suppose this is the week when Noel will be up in a day shift after a week of night shift. Yeah, damn. I can only blog about Noel again. Well, that's the only thing on my mind right now. He is the only one on my mind right now. I have been anticipating for the start of this new week, because as I have "researched" it seems like they rotate shifts weekly. Last week, as I conclude, is a night shift for Noel, so this week should be his day shift. As always, I look forward to this kind of schedule of his, but I know that I only have chances. I have chances to see him, maybe make small talks with him, hopefully be able to bond with him a little, but I only have chances. Circumstances are indefinite. But I still look forward for these chances. At least, I know where to look for him, and I know when. It does not deliver a 100% guarantee but I'd take chances, how small they may seem. Fuck! This crush thingy is making my head hurt a little. But I assure you, at least for now, this is the headache that I want to experience. Why? Because a single smile from him, will make any bad day of mine a whole lot better, if not perfect. Damn! I miss those smiles, along with his set of twinkling eyes. *sigh*

Thursday, June 10, 2010

At 5th

Even as the leaves are swaying,
even as the wind is blowing,
I cannot resist wandering,
wondering where you are.

If I am to come everyday,
will it be you that I find?
If I am to look for you in the day,
will you be here in the night?
If I am to give in to what it seems,
will you finally admit, or simply deny?

Monday, June 7, 2010

Panakip Butas

Alam ko unfair para sa'yo kahit na wala kang kaalam-alam sa ginagawa ko. Sa'yo ako nagre-rely ng kaligayahan sa bawat araw. Ginagawa kitang panakip-butas. Unfair din ito sa akin, dahil alam kong niloloko ko lang ang sarili ko. Patunay ang nagdaang weekend. Umiyak ako dahil naiisip ko nanaman si Mike. Pero pinilit kong isipin ka para mabawasan ang lungkot ko. Pero hindi nakatulong. Masaya ako 'pag nakikita kita, pero mas nagiging masaya ako 'pag nakakausap kita. Umaabuso na actually. Dati, masaya na ako na makita ka lang. Tapos ang gusto ko na yung nagbabatian tayo. Ngayon, mas nagiging masaya na ako 'pag nakakausap kita. Pero alam mo, 'pag hindi kita nakikita, pilitin ko man ang sarili ko na maging masaya sa pamamagitan ng pag-iisip sa'yo, hindi ko magawa. Mas malakas pa rin ang epekto ni Mike. Dahil siya pa rin ang naiisip ko. At umiiyak pa rin ako 'pag naaalala ko siya.

Pero hanap-hanap kita araw-araw 'pag may pasok. Actually, muntik na akong pumunta dito nung Sabado. Para mag-shoot. At ang pinaka-importante, para makausap kita. Iniimagine ko, kung paano kaya kung magkaroon tayo ng pagkakataon na makapag-usap ng mas matagal. Ng tayo lang dalawa, ano kaya ang mga mapag-uusapan natin? Ano kaya ang mga malalaman ko tungkol sa'yo? Maaapektuhan kaya ako 'pag narinig ko na sa'yo na hindi ka na nga malaya? Sana may ganung araw noh? Sana mangyari yun, yung makausap kita ng tayong dalawa lang, ng matagal. Sana nga...

Wednesday, June 2, 2010

"Mamaya na lang..."

Nangoleksyon ako kanina, at sumilip ako sa may reception pagdating namin. Nasa sasakyan ako at nahagip ng mata ko na dalawa kayong naka-uniform na nandoon sa reception. Kinutoban ako na baka ikaw yun kahit na hindi ko nakita ang mukha mo. Gusto ko sana bumaba na pero alanganin na ang direksyon ng sasakyan. Nagisip kaagad ako ng paraan kung paano ako makakababa. So nag-intercom ako at tama namang may PLDT billing sa baba. Kaya bumaba ako pagkatapos kong mag-spray ng sangkatutak na pabango.

Matagal akong nandoon. Kausap ko si lady guard pero sumasali ka rin. So ngayon, alam mo na na sa Bambang ako sumasakay ng LRT. Alam mo na rin na half-chinese ako. At alam mo na rin na meron akong ni-nurse na broken heart. Nung pinaguusapan na namin si Sam, at kinikilig si lady guard dahil crush daw niya si Sam, nag-react ka. Sabi mo "kayo tlga.." tapos sabi ko, "bakit ikaw hindi mo crush si Sam?" sabi mo "hinde. ung crush ko ung kaaakyat lang." "Sino? si Mr.Tan?" "oo" tapos sabi ni lady guard "aawayin ka ni mam". All this time, sinusulyapan lang kita. Hanggang sa may nakita akong singsing nanaman. Hindi na ito plastic beads. Gold band na ito. Sa kaliwang kamay. So, okay. May asawa ka na nga.

All the time na nandun ako, nakikiramdam ka lang. Alam kong nakikinig ka. Alam kong sumusulyap ka minsan. Pero ang pinakanagpasaya sa akin, nung paalis na ako. Sabi mo "mamaya na" mahina lang yun, pero narinig ko. Nginitian lang kita habang palayo na ako at papunta ng elevator. Pag dating ko sa elevator, nanalamin ako sa may bulletin board. Pag lingon ko sa may reception, nakangiti ka sa akin.

Kahit yun lang, masayang-masaya na ako. Sayang may asawa ka na. Pero naisip ko, hindi bale na, crush lang naman kita. Kaya hindi ako dapat maapektohan. I-enjoy lang natin kung anong nangyayari ngayon. Alam naman natin ang limitasyon natin.

Nung pauwi na ako, inasam ko na makasama ka sa elevator. Pero hindi nangyari. Pero ok lang kasi pag baba ko, pag labas ko ng elevator, nandoon ka sa reception at nakatingin ka sa mga lumalabas sa elevator. Alam kong nagtama ang mga mata natin pero umiwas kagad ako ng tingin kasi nahihiya na ako sa'yo. Kung ano ano na lang ang tinanong ko kay Mang Toti para makaiwas sa tingin mo. Pero sinundan mo ako ng tingin hanggang sa makalabas ako. Kinawayan kita ng konti pero hindi mo na yata napansin. Masaya ako ngayon, dahil sa'yo. Masaya. Masaya ako.

Tuesday, June 1, 2010

Life's Little Surprises

Kanina, excited na excited ako maguwian. Kasi excited akong makita ka. Baka kasi ikaw ulit ang nasa elevator tulad kahapon. Sayang nga lang, may asungot sa elevator kahapon. Hindi kita na-solo. Hahaha. Pero matamlay ka kahapon. Hindi ko alam kung masakit ba ang ngipin mo o ano, kasi weird ka magsalita kahapon eh.

Kaya excited ako kanina, pero naisip ko rin, na baka katulad lang ng dati. Kasi dati, kapag nae-excite ako na maguwian sa pagaakalang makikita kita, nadi-disappoint ako eh. So kanina, akala ko mae-excite nanaman ako sa wala. Pero pag dating sa ground floor, pag bukas ng elevator, ikaw ang bumungad sa akin. Lumundag ang puso ko sa kilig. Balik ka na ulit sa dati. Hindi ka na matamlay. Cute ka na ulit. At nagniningning nanaman ang mga mata mo hindi tulad kahapon na cloudy. Sabi ko pa nga sa'yo "uuii ok na siya" eh hindi mo narinig kaya tinanong mo ako pero kausap ko si Mang Toti at hindi ko rin naman gustong may makahalata na kahit na sino na gusto kita. Kaya inilingan na lang kita nang nakangiti. Nakangiti ka rin naman eh. Pero weird kasi pati ung lady guard dun sa reception, parang nakangiti din. Hindi ko alam kung may kinalaman ba ako doon. O baka naman feeling ko lang. Kasi hindi naman ako direktang nakatingin sa kaniya eh. Just out of the corner of my eye. Pag labas ko pati yung guard dun sa may lobby door feeling ko nakatingin sa akin at pinagmamasdan ako. Hmmpp. Weird sila. Pero I don't care. Kasi nakita ulit kita. Two in a row. Ang saya ko. Talagang mahal ako ni Lord. Hehehe. Pinapasaya Niya ako. And I'm really grateful for that. Hay.. Kung hindi naman masyadong kalabisan, sana bukas ulit makasama kita sa elevator. Pero sana tayong dalawa lang. Wala lang, gusto ko lang makipag-kulitan sa'yo. Napapasaya mo kasi ako eh. Ng sobra.
 

Free Website templatesSEO Web Design AgencyMusic Videos Onlinefreethemes4all.comFree Blog TemplatesLast NewsFree CMS TemplatesFree CSS TemplatesFree Soccer VideosFree Wordpress ThemesFree Web Templates