Mula ng na-uso ang text, wala nang tigil ang mga tao sa pag-forward ng quotes. Ako, nabasa ko na yata halos lahat ng quotes.. andiyan yung for friends, yung for parents, for graduation, birthday, christmas, new year, at kung ano-ano pang holidays na meron at wala sa kalendaryo. Siyempre, andiyan din ang kay God, at, mawawala ba naman ang tungkol sa love?
Diyan sa love na iyan, maraming marami na akong nabasa niyan. May love lost, love found, love na torpe, love na pa-kapalan, love na selfish, love na martir, love na lumipas na, at love na kauusbong pa lang. May true love, platonic love, pang happy ending, at siyempre yung pang-drama.
Sa lahat ng mga yan, nakaka-relate ako madalas sa mga love lost, love na martir, at yung parating iyakan ang ending. Ewan ko ba, parang pinagtampuhan ako ni Kupido. Hindi naman ako maarte, ni hindi nga mataas ang standards ko eh. Pero bakit ganun, iyakan blues pa rin ang ending?! Tapat naman ako magmahal, puro, at buong puso. Kumbaga, tipong "malinis po ang intensiyon ko sa anak niyo" ang linya ko. Pero wala pa rin eh. Minsan naisip ko, taasan ko kaya ang standards ko, yun bang 'sing yaman ni Bill Gates, 'sing bait ng tupa, 'sing yummy ni Piolo Pascual o ni Brad Pitt. Pero naisip ko din, kung maghahanap ako ng ganon, hindi kaya tigok na ako, wala pa rin akong makitang ganon. Eh prince charming ang hanap ko nun eh, yung mga prince charming na napapanood lang.
Sabi sa mga forwarded quotes na nabasa ko, love is worthy of any pain it may give you. Kung ako ang tatanungin, hindi rin. Sa ilang beses akong nasaktan, hindi ko masasabi na its all worthy when the time comes that I fall again. Hindi worthy. Bakit? Ganito yun eh...
Kapag na-hurt ka, iyak ka ng iyak. May ibang hindi umiiyak , yun yung mga tinatago lang ang damdamin, na halos mabaliw dahil malapit ng sumabog ang dibdib. O di kaya naman, sila yung mga nanakit, malamang hindi sila gaanong maaapektohan. May iba diyan , suicidal ang drama sa buhay. Pati billboard sa EDSA, dinadamay sa lovelife nila. Yung iba naman, di mo malaman kung gusto lang talagang mag-diet, nahiya lang siguro magsabi na gustong mag-diet, sinisi pa ang palpak na lovelife. Paano naman kasi, yung kanin na inihain sa kaniya eh naging tutong na, tinitigan lang kasi. Meron din siyempreng kasalungat niyan. Yan yung mga taong "depressed" kuno kaya wala nang ginawa kundi lumamon ng lumamon. Pambihira, natakam lang sa mga pagkain, ginamit pa ang dahilan na depressed daw kaya di na nawalan ng nginunguya. Meron naman diyang gustong ma-experience kung paano maging 7/11. Paano ba naman, magdamag gising. Hindi daw makatulog ka-iisip sa taong nang-iwan sa kaniya. Nako 'tol, insomniac ka lang talaga. Try mo magpa-check up.
As for me, ako yung tipo na iyakin. Yun bang kahit saan abutin ng luha eh hindi mo mapipigilan. Langya, hindi rin pala naging mas maganda kesa sa mga una kong nabanggit. Paano naman kasi, sadya na ngang iyakin ako, yun pa kayang masaktan pa ako. Nandiyan yung marinig ko lang yung theme song namin, luluha na mga mata ko. Kapag madaan sa lugar na napuntahan namin, lulugo-lugo na ako. Pati nga sa TV eh, pag may napanood na may similarities sa nangyari sa amin eh nakikiiyak ako.
Oo nga, pag na-inlove ka, masaya talaga. Para kang nililipad sa alapaap. Pinagtitinginan ka ng mga taong nakakasalubong mo sa kalye dahil nangingiti kang magisa dahil may naalala ka tungkol sa kaniya. In short, para kang adik!
Teka, oo nga noh, kapag in-love ka o broken-hearted ka man, pareho lang ang epekto. Nagmumukha kang baliw. Nakaka-adik!
Tsk! Ang buhay nga naman..
(Itutuloy)
No comments:
Post a Comment