Wednesday, August 12, 2009

Whose Loss?

"Its his loss, not yours."

Madalas natin naririnig yan whenever couples break up. Sasabihin ng friends mo na yung taong nangiwan ang nawalan at hindi yung iniwan. Sa akin, ganon din ang narinig ko. Kawalan daw niya yun at hindi sa akin.

Honestly, kapag iniwan tayo ng taong mahal natin, iisipin mo ba na kawalan niya yun? Naniniwala ka ba talaga na siya ang nawalan at hindi ikaw? Ako kasi, hindi. Paano mo ako makukumbinsi na siya ang nawalan kung ako ang nahihirapan? Kung kawalan niya, bakit ako ang umiiyak? Bakit ako ang nasasaktan? Bakit ako ang hindi ok? Bakit ako ang hindi maka-move on? Kung siya ang nawalan, hindi ba dapat ok na ako ngayon? Hindi ba dapat naka move on na ako? Hindi ba dapat hindi ko na siya naiisip? Hindi ba dapat hindi ako nanghihinayang sa pinagsamahan namin? Hindi ba dapat hindi ko na siya namimiss?

Pero sa kalagayan ko ngayon, I'm far from being ok. Hindi lumilipas ang araw na hindi siya sumasagi sa isip ko. Hindi natatapos ang araw na hindi ako naiiyak dahil naalala ko ang kahapon namin. Oo, negative ako. Nagseself pity ako. Kasi hindi ko maiwasan na sisihin ang sarili ko sa nangyari sa amin. Siguro nga kasalanan ko. Kaya ngayon, ako ang nagsa-suffer. Buti pa siya ok siya. Buti pa siya masaya siya. Eh ako? Nasan ako ngayon? Bakit ang dilim ng mundo ko? Kawalan niya di ba? Pero bakit ako ang stucked sa ganitong sitwasyon?

Masarap paniwalaan na siya ang nawalan at hindi ako. Pero pag tinitingnan ko ang sarili ko, hindi ko maipagkaila na ako ang nawalan at hindi siya. Ako ang nawalan ng minamahal. Ako ang nawalan ng partner. Ako ang nawalan ng karamay. Ako ang nawalan. Umaamin ako.

Hindi ako magmamataas. Hindi ako magpapanggap na ok lang sa akin dahil naniniwala akong hindi ako ang nawalan. Magpapakatotoo ako. Ako ang nawalan. Mahal ko siya at ako ang iniwan. Kawalan siya sa akin. Yan ang totoo.

2 comments:

  1. uu nga..tama ka...marami nga nagsasabi na kung magkaka hiwalay man kayo ng boyfriend mo ang laki mong kawalan sa kanya...hindi nman cgro totoo iyan..cgro depende sa naging relasyon o pinagdadaanan natin sa kanila...kasi sa naging situation ko ngayon..lahatlahat pinaglaban ko sya kaso hindi parin sapat..di parin nagwork eh!...cgro nga both malaking kawalan sa buhay natin iyong tao na naging parte na ng buhay natin...kasi naging special nman din tau sa taong mahal natin dati..nagkataon lang cgro na hindi pwedeng maging kami...kahit nagmamahlan pa..ang hirap tlaga mag move on bruhilda..hinahanap hanap mo iyong taong naging masya ka atsa kanya ka lang talaga lumigaya...hahay..buhay..kay hirap..hinaharap ko nman ngayon kung ano ang naging kapalaran ko..hindi ako takot na mwala sya kasi alam ko din na sa buhay nya na may tin tin syang minhal at nagmamahal sa kanya...wala yan sa talonan ka o nag susuffer ka..ang importante mahal mo sya..huwag ka nlang manghingi ng kapalit dahil jan ka lang masasaktan....sa ngayon shei..im doin' my best to move on.. for 5 years in relationship?..lahat ng tym ko andun na sa kanya..bigla nalang nawala ng isang idlap...maybe we're not meant for each other...kaya ng yari iyon lahat..mahirap shie talaga..nakakarelate talaga ako dito sa pinost mo..huhuhu...

    ReplyDelete
  2. Ibang klase talaga pag love.. kahit na anong tatag mo, bibigay ka pa rin...

    ReplyDelete

 

Free Website templatesSEO Web Design AgencyMusic Videos Onlinefreethemes4all.comFree Blog TemplatesLast NewsFree CMS TemplatesFree CSS TemplatesFree Soccer VideosFree Wordpress ThemesFree Web Templates