Tuesday, June 29, 2010

Blessing in Disguise

Uwian na kahapon, pero ang lakas ng ulan. Saktong 5:30 nang umalis ako ng opisina kaya alam ko na hindi ko siya makikita. Pagdating ko sa baba, hindi na ako tumuloy dahil sa lakas ng ulan siguradong hindi kakayanin ng maliit kong payong. So bumalik ako sa loob at naghintay ng elevator. Yung elevator sa kanan ko tumigil sa 5th floor on its way down. I was hopeful, naisip ko baka siya na yun. I was anticipating this when the elevator door opened. Siya nga!!! Marami na kaming naipon nung dumating siya pero ako ang unang pumasok sa elevator. Nag-good afternoon siya sa akin pero ang sagot ko sa kaniya "hindi ako makauwi" pero pabulong lang. Nung sinara na niya ang pintuan, sumulyap siya sa akin. Tapos nung paakyat na kami, nakayuko lang siya, kung hindi naman nakasandal siya tapos nakapikit. Tapos siyempre ako naman, tinititigan ko lang siya. Nung makarating na kami sa 7th floor, lumabas na ako. Nararamdaman kong tinitingnan niya ako pero hindi na ako lumingon. Mahirap nang may ibang makakita. Pagpasok ko sa office, pinahiram ako nila madam ng payong. Tapos sabi ko kay Prime, hintayin ko siya sa 5th floor.

Nung pumindot na ako sa elevator, yung kaliwa ang nauuna bumaba. I was a little skeptic na hindi siya yung nandoon. Pero something inside me says it is him who's in there. Totoo nga, siya nga yung nandoon. Sabi niya good evening. Sabi ko 5th floor. Hehehe. Sabi niya "4th floor?" Sabi ko "5th... antok ka na?" "oo.." sabay sandal nanaman siya, kahit na nakatayo siya at hawak niya ang log book niya. Tapos sabi ko "hindi ako makauwi" "sabay na lang tayo" "sige! Hanggang anung oras ka?" "7" "sige, hatid mo ko?" "kasi may payong ka eh, ako wala" Eh nasa 5th floor na kami, so lumabas na ako pero nilingon ko siya "ginamit mo pa ako" sabay tawa. Tawa rin siya. Tapos tumuloy na ako sa Rec. Area.

Habang nasa Rec. Area ako, lalong lumalakas ang ulan. Habang nagpapatila ako ng ulan, I was wondering kung nasaan na siya. Kasi ang alam ko, tig-15 mins lang ang break nila kaya nagtataka ako kung nasaan na siya. 6PM na pero malakas pa rin ang ulan, although unti-unti itong humihina. I thought, baka pinapwesto siya sa kung saan. So tinext ko na si Prime na humihina na ang ulan. So habang hinihintay ko si Prime, dahil nagaayos siya ng gamit niya, nandoon lang ako. Nakatingin ako sa kanang parte, doon sa may playground part dahil doon rin ako sa side na yun umupo. Kung saan ko sinulat ang tula ko kay Noel. 6:10 na yata noon nang biglang may nagsalita sa gawing kaliwa ko "tara na." Pag lingon ko, si Noel nga. Sabi ko "wala ka bang payong?" "wala" "saan ka ba umuuwi?" "Espana" "Eh hindi dapat ulan ang problemahin mo, baha." "Oo nga pala.." Tapos upo siya sa hawakan nung upuan sa may kanan ko. "parang pinanggalingan ko rin... UST". Pause. Tapos inabot ko sa kaniya yung payong. "Balik mo na lang sa akin bukas. Wag mo kalimutan ha sa office yan eh." "Pano ka?" "Meron akong payong, kaya lang kasi cute eh kaya yung ulan kanina, hindi kakayanin. Kaya ayan, basta wag mo kalimutan bukas." "Ang sweet naman. May payong ka ha, baka wala." "Meron ako." "Patingin nga." "Meron, nasa bag ko" "Patingin nga... baka wala." "Meron nga, bakit ko naman ibibigay sa'yo yan kung wala ako di ba" Eh tamang kinuha ko yung cellphone ko sa bag at habang binubuksan ko ang bag ko, sinabi niya ulit na patingin daw kung talagang may payong ako. Kaya pinakita ko. "Dalawang beses ko lang naranasan ang baha sa UST. Pero mababaw lang." "Hanggang saan.. dito?" Tapos ginamit niya yung payong na panturo sa pantalon ko, sa may ankle. "Hindi naman, mababaw lang as in." Tapos sabi niya "ako, 2 beses ko din naranasan ang baha". Yung isang beses daw hanggang hita, tapos yung isa pati daw yung jeep ayaw nang tumuloy babalik na lang. Kaya bumalik na lang din siya. Tapos sabi niya, OT yung partner niya doon sa labas dahil hindi na siya nakapasok. Tapos tinanong ko siya kung paano ba shift nila. Sabi niya 'pag night-shift daw sila, nagli-leave na lang ng Sunday para sa day-shift. "36 hours na nga ako eh. absent yung isa." "ganon? eh anu nga pala ang ginagawa mo pag night-shift ka?" "ganun din" "eh anung niro-rove mo?" "ganun din. mga busted na ilaw...nakabukas na pintuan.." Tapos napunta usapan namin sa nung araw na naghagdanan kami. Sabi ko "ayaw mo nga maghagdanan noon eh." "Pagod na kasi ako.. nakailang balik na ako sa hagdanan. Kung mga dalawa pa lang, ok lang." "fine..." "sumama naman ako maghagdanan ah." "Oo, sa pilitan pa." "gusto ko kasi magelevator tayo." All the while na magkausap kami, kung ano-ano ang ginagawa niya sa akin with the payong. Tapos eh merong isang time na gusto ko siya kurutin rin as ganti sa mga pinaggagagawa niya sa akin. Eh sinasangga niya ako, hinawakan niya kamay ko. Pero binitiwan din niya agad nung binawi ko. Tapos sabi niya sa akin "ang sarap ng trabaho niyo, walang ginagawa. dapat mag-rove ka rin." Tapos habang magka-text kami ni Prime, sabi niya "mam, pwede... bang... mahingi... yung number niyo?" Habang sinasabi niya yan, lumilingon siya sa kanan niya, parang umiiwas ng tingin tapos pa-hina ng pa-hina yung boses niya parang nahihiya. "baket?" "para pag anu, pag kailangan ko ng tulong niyo.." "talaga naman.. ako pa ang tutulong sa'yo.." ngiti siya. "sige, imemorize mo ha." Tapos binanggit ko ng mabilis yung cp number ko. Ngiti siya, "bagalan niyo naman mam" "sige.. 0..9..2.." tawa siya ang bagal naman daw. Tapos sabi niya "0922, eh di sun kayo mam". "Hindi, tao ako." gusto nanaman niya akong kurutin. Tapos sabi niya "smart ako, pero hindi na maganda ang smart ngayon." "eh bakit ka naka-smart" "eh tinatamad akong bumili ng sun eh" "wow, parang ang layo ah." "eh diretso bahay ako mam eh" "parang ang layo ng pagbibilhan mo ah.. ilang hakbang lang ang SM." Then there was a pause.. a rather short one. Pareho lang kaming nakaupo. "kamusta na yung boyfriend niyo...yung nasa abroad ba..?" "sana hindi mo na lang tinanong.. ang bait mo talaga sa akin. Ayun kahapon ko lang nalaman, nag-asawa na daw." "pagkatapos ng lahat ganun lang? siya yung nasa abroad di ba.." "davao lang yun." "ah dun siya in-assign?" "oo" "sorry.." "ang dami kong nasayang na luha sa kaniya. Ewan ko ba, nung nalaman ko kahapon, ni hindi ako maiyak." "galit na?" "hindi." "hindi ako galit sa kaniya. lam mo, bihira lang akong magalit. Pero nakakatakot." then I elaborate a bit sa galit...

Pero ang hindi ko makalimutan, at ang pinakakinakikiligan ko... marahan niya akong kinurot sa pisngi. Sa kanan. Yung ang gamit lang niya eh yung likod ng daliri niya, pero hindi naman niya diniinan, kaya parang ang nangyari eh, hinaplos lang niya ang pisngi ko. Pero before pa niya magawa iyon, nakatingin kasi kami sa isa't-isa so alam ko na na yun ang gagawin niya pero hesitant ako. At feeling ko hesitant din siya kasi ang tagal bago tuluyang dumampi ang kamay niya sa mukha ko. Pero ang isa pang lalong nakapagpa-kilig ay yung tingin niya sa akin habang nilalapit niya ang kamay niya sa mukha ko. Ang lambing. Yun bang parang halong tuwa at hanga. Hahahaha. Tapos nabanggit niya sa akin na isang oras siyang walang ginagawa kapag ganung oras na. Dahil 'pagkatapos niya sa elevator, maghihintay na lang siya ng 7PM. Tapos nung mga 6:35 niya, sabi niya "tara.. dun na tayo sa baba." "huh? eh bakit kailangan kasama mo pa ako." sabi ko ng patawa. Tawa rin siya "sige, ok ka lang diyan?" "yup." "Anung oras ang pasok mo bukas?" para maibalik niya ang payong. "9 to 5:30. dalhin mo na lang sa breaktime." "11:30?" "12:30 to 1:30" "hindi ba 12?" "hinde." "grabe naman iyon, lipas gutom." hindi naman. tsaka mabait si boss, minsan kahit wala pang 12:30 pinapakain na niya ako." "so, bukas idadaan ko lang ito." "oo, katok ka lang." "bye.." kinawayan ko siya tapos umalis na siya.

Pag baba namin ni Prime, tamang-tama paalis na siya galing sa reception. Pero feeling ko nakita niya ako, kasi nahagip din ng mata ko siya. Tapos bumalik siya, kinausap niya yung guard sa entrance, but somehow, I feel like sinadya niyang bumalik. Then halos magkasabay kami sa entrance, palabas. Pero pinauna niya kami, pero hindi ko siya tinitingnan kunwari super busy kami ni Prime. Tapos lumabas siya, pero feeling ko talagang lumabas lang siya para tingnan kami maglakad palabas. I can feel his eyes on my back kasi. At hanggang ngayon, naaamoy ko pa ang pabango niya. Yung parang powder fresh na scent. Pero hindi overpowering. Tsalap. Hahaha.

Ayun. Tapos kaninang umaga, saktong bumaba ako, nakita ko siya, nakalimutan niya yung payong. Pasaway. Bukas na lang daw. Pero ayos lang. Masaya ako. Masayang-masaya ako.

No comments:

Post a Comment

 

Free Website templatesSEO Web Design AgencyMusic Videos Onlinefreethemes4all.comFree Blog TemplatesLast NewsFree CMS TemplatesFree CSS TemplatesFree Soccer VideosFree Wordpress ThemesFree Web Templates