Friday, June 18, 2010

Thanks Bibo

Inis na inis ako kay Bibo kanina. Uwian na kasi pero hindi pa ako makaalis dahil nagpapatulong siya. Although, in all honesty naman, hindi naman niya solely kasalanan. Kaya lang, sumisingit pa siya ng part ng explanation niya kung bakit hindi niya maintindihan yung interview. Ok lang naman sana, kasi kahit ako, nahirapan ako maintindihan yung sinasabi nung tao sa video, because of the poor sound quality. Kumbaga, gusto kong sabihin sa kaniya na let's just get this over and done with so that I can now go home. You have to understand, today is Friday, last day ko na makita si Noel dahil next week, night shift na ulit siya. Gusto ko lang ng pabaon. Although hindi naman sure na makikita ko siya, feeling ko you are ruining with my chances. Hindi ko na siya nakita kahapon, so kahit papaano sana gusto ko siyang makita ngayon. 5:40 pasado na yata ako nakalabas ng office. Pagdating ko sa elevator, tamang-tama malapit na sa floor namin yung elevator. I am anticipating kung makikita ko siya. Pero wala siya eh. Yung elevator naman sa kabila, yung right side, nasa tuktok pa. Habang pababa yun, nagdasal ako na sana makasabay ko si Noel. Although skeptic na ako kasi usually, 5:30 ko siya nakakasabay sa elevator.

To my surprise, true enough, nandun nga siya! Shet. Talagang hanggang ngayon, kinikilig ako. He was surprised also. He mumbled something when I entered the elevator which is quite inaudible. Kaya I think he was also taken aback. I think he said good afternoon. Well, since medyo maraming tao sa elevator, tumabi na lang ako sa kaniya. Hahaha. I pretended to read my King Tut book pero ang totoo, pinakikiramdaman ko siya. Patay malisya kami. Parang wala lang.
Pero gusto ko sana siyang asarin kasi parang wala siyang kagana-gana. Then, pagdating namin sa 4th floor, may isang girl, yung nakatayo directly sa likod niya ang lalabas. So, tumayo si Noel to allow the girl to pass. Since, ayaw kong masiksik, lumabas din ako para makalabas yung girl. Nung pagpasok ko ulit, nakita kong naka-ilaw lahat ng floors mula 3rd hanggang 1st floor. So dun ako sa likod niya tumayo. Siyempre, habang nasa likod niya ako, ito na ang chance ko. Tinitigan ko likod niya. Tapos nakita ko may nakasukbit na parang revolver sa holster niya. Tapos may nakita akong pamaypay na maroon na nakasukbit sa likod niya. Being playful as I am, gusto ko sana kunin. Pero may dalawa pang tao sa elevator kaya hindi ko ginawa. Plus, alam kong may security camera sa elevator. I don't want to get both of us into trouble. At ayaw kong ma-assign siya sa ibang lugar.

Habang pababa na kami sa 3rd floor, sabi niya "ang daming station noh, mula 3rd, 2nd humihinto. Ang tagal." Sabi ko, "hindi naman masyado." Tapos,since ayaw ko mahinto ang paguusap namin, sabi ko "bakit ikaw ang nandito?" may sinabi siya pero hindi ko naintindihan. Pero alam ko na kung bakit. Tinanong ko lang para may mapagusapan kami. Hehehe. Tapos nung nakarating na kami sa 1st floor, nalito ako. Kasi yung isang guy, hindi kaagad lumabas, eh hinihintay ko siyang mauna. Tapos nung finally lumabas na yung guy, sabi ko "akala ko hindi pa eh". Bago ako tuluyang lumabas, I said "thank you". Tapos nung lumabas na ako, labas na rin siya. Lilipat yata siya sa kabila. Nakalabas na ako ng entrance nang sumigaw siya "ingat mam". Nilingon ko ulit siya at nginitian tapos i mouthed "thank you" to him. Ngiti lang siya. Then I went ahead.

Kaya ayun, kahit na nabuwisit ako kay Bibo, I have to thank him for delaying me. Kung hindi niya ako pina-stay, eh di sana wala akong pabaon. Pero ang laking pasasalamat ko talaga kay God. Pinagbibigyan Niya ako. Sana hangga't healthy pa ito, pagbigyan Niya rin ako. Gusto ko lang ma-retain yung ganito sa amin ni Noel. I will not ask for more than this. I am already satisfied yung makausap ko siya, ngitian niya ako.. Gusto ko pa rin gawin yung mock interview. Pero wala pa akong concrete plan, at hindi pa ako nakakaramdam ng strong urge. Kaya standby muna. Gaya ng sabi ko, kung iyon ang dapat na mangyari, the opportunity will arise on its own perfect timing.

Sa ngayon, maraming maraming salamat po Lord. Hay nako. Kung ganito ba naman parati ang mangyayari pagkatapos akong buwisitin ni Bibo eh di ok lang, di ba. Sarap talaga.

No comments:

Post a Comment

 

Free Website templatesSEO Web Design AgencyMusic Videos Onlinefreethemes4all.comFree Blog TemplatesLast NewsFree CMS TemplatesFree CSS TemplatesFree Soccer VideosFree Wordpress ThemesFree Web Templates