Alam ko unfair para sa'yo kahit na wala kang kaalam-alam sa ginagawa ko. Sa'yo ako nagre-rely ng kaligayahan sa bawat araw. Ginagawa kitang panakip-butas. Unfair din ito sa akin, dahil alam kong niloloko ko lang ang sarili ko. Patunay ang nagdaang weekend. Umiyak ako dahil naiisip ko nanaman si Mike. Pero pinilit kong isipin ka para mabawasan ang lungkot ko. Pero hindi nakatulong. Masaya ako 'pag nakikita kita, pero mas nagiging masaya ako 'pag nakakausap kita. Umaabuso na actually. Dati, masaya na ako na makita ka lang. Tapos ang gusto ko na yung nagbabatian tayo. Ngayon, mas nagiging masaya na ako 'pag nakakausap kita. Pero alam mo, 'pag hindi kita nakikita, pilitin ko man ang sarili ko na maging masaya sa pamamagitan ng pag-iisip sa'yo, hindi ko magawa. Mas malakas pa rin ang epekto ni Mike. Dahil siya pa rin ang naiisip ko. At umiiyak pa rin ako 'pag naaalala ko siya.
Pero hanap-hanap kita araw-araw 'pag may pasok. Actually, muntik na akong pumunta dito nung Sabado. Para mag-shoot. At ang pinaka-importante, para makausap kita. Iniimagine ko, kung paano kaya kung magkaroon tayo ng pagkakataon na makapag-usap ng mas matagal. Ng tayo lang dalawa, ano kaya ang mga mapag-uusapan natin? Ano kaya ang mga malalaman ko tungkol sa'yo? Maaapektuhan kaya ako 'pag narinig ko na sa'yo na hindi ka na nga malaya? Sana may ganung araw noh? Sana mangyari yun, yung makausap kita ng tayong dalawa lang, ng matagal. Sana nga...

No comments:
Post a Comment