Masaya ako kasi nakita ko siya. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya kasi almost before 12 noon ako bumaba para kunin yung package ni Boss. Actually binalak ko pa nga na hapon ko na lang kunin eh, pagdating ng pasado alas tres. Pero naisip ko na lang na bumaba na. So ayun pagbaba ko, andun siya sa may pintuan namin, sa entrance. Siguro siya ang nag-relieve dun sa naka-poste doon para makapag-lunch yun. Anyway, masaya ako doon. Tapos ngayon naman, nakita ko siya ulit sa Recreation Area. Nag-hi siya akin. Kinawayan ko siya. Hay... doon siya nakaupo sa tapat ng inuupuan ko, na malapit sa terrace. Naisip ko, nakakatawa ang sitwasyon namin. Ilang floors lang ang pagitan namin. Para bang isisigaw ko lang ang pangalan niya dito at maririnig na niya ako. Ewan ko, hindi ko maipaliwanag. Basta, pakiramdam ko, ang lapit lang namin. Parang abot kamay. Nakakatawa dahil alam kong hindi ko siya "maaabot". Sa simpleng dahilan na alam kong hindi na siya malaya.
May binabalak ako, gusto ko siyang makakwentuhan nang matagal-tagal, at nang kaming dalawa lang. Pero alam kong hindi mangyayari yun. Kaya naisip ko, bakit kaya hindi ako magkunwaring "iinterviewhin" ko siya? Pero hindi ako makaisip ng dahilan para interviewhin siya. Ayokong idamay ang opisina. Nagi-guilty naman akong magsinungaling sa kaniya. At, paano kung tumanggi siya? Paano kung sabihin niya sa akin na bawal sa kanila ang magpa interview? Kasi, naisip ko na kukunan ko siya ng stills at ng video na rin using my digicam. Oh di ba, hindi na ako mahihirapan na mag-stolen shot sa kaniya. hahaha. Pero sana pumayag siya. Hindi pa naman sa ngayon. At hindi ko pa alam kung kailan. Hinihintay ko pa, kapag determined na ako saka ko na isasakatuparan ito. But first, I have to think things thoroughly. I have to have a concrete plan. I have to be prepared. I have to have a plan A and a plan B. I don't know if I should go all the way for a plan C. But well.. Anyhow, I am not rushing this one. If it is meant for me to do this, then opportunity will knock on my door on its own.

No comments:
Post a Comment