Monday, August 30, 2010

When a tear falls

Minsan nakakainis, ang bigat ng dala mo gustong-gusto mo umiyak pero wala ka naman mailuha. Pinipilit mong umiyak pero hindi mo magawa. Ang daming bumabagabag sa'yo. marami kang gustong sabihin pero hindi mo masabi dahil alam mong hindi tama. At siguro, alam mo rin na walang makikinig, o makakaintindi. Pero 'pag dumating yung araw na punong-puno ka na at para nang sasabog ang dibdib mo, kahit saan ka abutin ng luha, hindi mo mapipigilan. Gustuhin mo mang pigilin, hindi sapat ang lakas mo para mapatigil ang luha mo. Dadaloy at dadaloy siya, kasama ng lahat ng tiniis at naipon mong sama ng loob. Hindi mo siya mapapakiusapan na "huwag muna" aagos siya na walang pakialam kung sino ang nakakakita. Ang masama pa, habang dumadaloy siya, kasabay nun, bumabalik ang bawat sakit na tinago mo. Bawat alaala na naipon. Bawat salita na gusto mong sabihin at marinig. Bawat pagmamahal na gusto mong maramdaman at ipadama. Bawat pagkakamali na pinagsisisihan mo at gusto mong balikan para baguhin. Bawat pangarap na gusto mong mangyari pero huli na.

Yan ang pait ng bawat luha na tumutulo mula sa mga mata ko. Pigilan ko man ang isip ko, kung ano man ang laman ng puso ko, ilalabas pa rin ng luha ko. Kung kaya lang sana makita ng mga dapat na makakita ang damdamin ko sa bawat butil ng luha ko...

Thursday, August 12, 2010

Its sad but I have to...

Sabi ng officemate ko, agawin daw kita. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya pero kung alam lang niya.. naisip ko na iyon. Pero hindi ko kaya. Malaki ang paniniwala ko sa golden rule. Hindi ko gugustohin na mangyari sa akin kaya hindi ko rin gagawin sa iba. But sometimes, I cannot help wondering kung puwede ba maging ako na lang. Pero tingin ko, hindi. Shit, I don't even know what is happening to me. I cannot even process this feeling. I know I do not love you. Its too early for that. But I know that this is not just a simple crush. Otherwise, I wouldn't be bothered to care for you that much when you were sick. I miss you. I think of you. I care for you. And silly as it may be, I get hurt. Hurt for the change in our "relationship". Pakiramdam ko kasi iniiwasan mo ako. Although, walang basehan iyon. I'm over analyzing, I know. It has always been the case. And this is what I really hate about myself. At night, before going to sleep, I pray for me to be able to move on, from Mike, and from you. Gusto kitang iwasan, pero nahihirapan ako. Namimiss ko yung treatment mo sa akin noon. Siguro kasi sa'yo ko naranasan yung hindi ko naranasan kay Mike. Siguro ganon lang ang dahilan. At kung may mas hihigit pa doon, hindi ko na alam. At sana hindi mangyari. Dahil alam kong ako lang ito. Ako nanaman. Masasaktan lang ako. Sana I get to keep you as a friend. A bestfriend maybe. Pero sana, I get to see you also as a friend only.

I want you. You make me happy. Pero I cannot. Its sad.. but I have to let you go. I have to forget whatever it is that you made me feel before. I have to see you as a friend and nothing more. Can't afford to let myself fall for someone who wouldn't catch me. It has already been too much for me. Letting you go. Even if it hurts.

Thursday, August 5, 2010

Theme Songs

Nasa mall ako kanina, naghahanap ng makakainan bago ko ituloy ang gagawin ko. Paakyat ako ng escalator nang may marinig akong kanta. Nung una hindi ko pa masyadong marinig ng malinaw kung anong kanta ang tumutugtog, basta ang alam ko lang parang pamilyar ang ilang nota na naririnig ko. Nung finally medyo lumakas na ang tugtog, natauhan ako. "Everything You Do" pala yun. Theme song namin ni Mike. Nakakatawa lang dahil dati, not even once na narinig ko iyan sa kahit na saang lugar. Siguro kasi hindi naman iyon gaanong sumikat. Kaya nagulat na rin ako na narinig ko siya sa RP kanina. Although yung last phrase na lang ang narinig ko.

Isang bagay ang narealize ko. Kaya ko na nga siguro na marinig ang kanta na iyon nang hindi ako umiiyak. Ni kirot, wala akong naramdaman kanina. Hindi ko lang alam kung dahil ba iyon sa nagiisip ako ng makakainan nung marinig ko iyon o dahil sa talagang kaya ko na, o baka naman kasi last phrase lang naman ang narinig ko talaga. Hindi ko pa kasi nasusubukan na pakinggan ang theme songs namin para ma-test ko ang sarili ko kung ok na nga ba ako. Ito lang ang first time na napakinggan ko ang kanta namin at masaya ako na hindi ako naapektohan man lang. Sana nga ito ay dahil sa naka-move on na nga ako. :-)

Tuesday, August 3, 2010

Nanaman

Halos hindi ako nakatulog kagabi sa nalaman ko. Matagal ko nang nararamdaman at naiisip pero ayaw kong paniwalaan. Kagabi ko napatunayan na tama ako. Nasaktan ako nang malaman kong may girlfriend ka na. Ang sakit. Pero teka, bakit nga ba ako masasaktan, crush lang naman kita di ba. Halos hindi ako nakatulog kagabi. At hanggang ngayon, hindi ko makalimutan iyon. Hindi ko maintindihan kung bakit gusto mo akong tawaging "best". Ok na sana nung huli na tinawag mo ako sa pangalan ko. Pero sayang. Huli na. Hinihingi mo yung picture nating dalawa pero ayaw ko ibigay. Hindi na kailangan kasi. Aanhin mo naman yun, baka magkagulo lang.

Nasaktan ako. Pero kailangan kong iwasan ka, kahit saglit lang, para hayaan ang sarili ko na makalimot man lang. Then we'll be friends again. Maybe you can be my guy bestfriend after all. Sana nga.


Wednesday, July 28, 2010

Friends

Nakasabay kita sa elevator nung Lunes, hindi kita nabati kahit na binati mo ako. Pumunta ako sa dulo, sa likod mo, at sumandal. Sa malinaw na pader ng elevator, nangiti ka habang nakatingin sa akin. Tinanong kita kung bakit.

BT: Pagod na?
ako: madami akong problema
BT: pers
ako: (confused) anung pers?
BT: pers(1st) problem
ako: uuwi na si papa bukas
BT: uuwi diyan?
ako: uuwi, diyan sa amin.
BT: eh hindi ba maganda yun?
ako: hinde

Nakarating na sa ground floor ang elevator. Palabas na ako nagbabye ako sa'yo at nagthank you.

BT: mamaya, mag-open ako.
ako: cge.

Pero hindi ka nagonline. Pasaway ka. Tapos kahapon, nakasabay ulit kita. But I'm in a much better mood. Tinanong kita kung nasan ka last night. Sabi mo nakatulog ka sabay tawa. Palabas na din ako ng elevator nang nagsabi kang mamaya na lang siguro. Sabi ko ok.

Kagabi, habang naghihintay kami sa pagdating ni Papa, nagtext ka. Sabi mo hindi ka makasingit sa kapatid mo at inaantok ka na kaya matutulog ka na. Pero tinanong mo rin kung nakarating na si Papa. Touched ako noon, dahil naalala mo ang sinabi ko sa'yo. Sabi ko hindi pa nakakarating si Papa at hindi rin nga namin maintindihan kung bakit wala pa siya. Pero sabi ko rin na sige, pahinga ka na. Tapos sumagot ka, sabi mo baka may inasikaso lang tapos nag goodnight ka ulit. Sumagot ako, kahit na nagaalangan ako. Sabi ko andito na siya, kararating lang. Cge, nytnyt. Akala ko hindi ka na sasagot. Pero sumagot ka pa.

BT: san ba xa galing mam? panu yan di mo na ako kelangang ampunin mam.
ako: lam mo, kung pwede lang kita ampunin, inampun na kita. Makatulong man lang ako sa'yo kahit konti. Pasalamat ko sa'yo 4 being a frend 2 me s mga panahon na kelangan ko ng makikinig sa akin. noel, maraming salamat ha..
BT: ano ba yang sinasabi mo. ayaw mo na ba akong maging frend. daya mo.
ako: hahaha hinde noh. isa sa pinakaimportanteng natutunan ko sa buhay,kung meron k gs2 sabihin sa tao, sbhn mo n kgad. kc bka maubusan k n ng pgkktaon. malay mo d nko magsng 2m..

Sa totoo lang, I'm secretly praying na sana sa pagsagot mo sabihin mong gusto mo ako.

BT: adik ka din nuh. pazaway, wag ka ngang ganyan jan. pinagsasbe m jan.
ako: un ang 22o. d natn hawak ang mga pangyayari. 3x ko na npagdaanan yan. ayokong pagsisihan ang mga bagay na hindi ko gnawa nung my pgkkataon pko. lalim noh? hehe

Again, I'm secretly hoping na sabihin mo na ang gusto kong mabasa.

BT: jejeje, kea nga pero wag m nang bnggtin un. kinikilabtan tloy aq jeje.
ako: hahaha. wag k magalala, d kita dadalawin. hahaha. noel, frnd dn naman pla tingin m skn, pag wla tyo s (offce bldg) wag m nko twaging mam. d ako kumportble eh.
BT: weh, un ang gsto qng itawag sayo eh.maam. dalaw ka jan.
ako: bkt kelangan mam? di mo naman ako tcher. d ako boss.. meron bang frnds n mam ang twag?
BT: kc un ang feeling q eh. boss kita. na kaibigan pa.
ako: d mko boss. anu k b. parepareho lng tyong empleyado. kng frnd mko, wala dpat level. pag d n oras ng trabaho, d nko tga (office bldg) noh.

hindi ka na nagreply.

ako: anu n? bsta wag m nko tawagn mam ha. d k naman c robin padilla. hehehe.and agen,maraming salamat ha. pro d ko tnatapos ang frendshp natn ok.hehe.ingat parati ha.tnx.

Nung malaman kong frend din pala ang turing mo sa akin, nagkaroon ako ng unexplainable peace. Maraming katanungan pa rin, pero may sense of fulfillment. Although, oo, aminado ako na hindi lang sana friendship mo ang ibigay mo sa akin. Pero sabi nga di ba, "you cannot force somebody to love you, you just have to wait for that someone to realize your worth." At kung kaibigan lang ang halaga ko sa'yo, wala akong magagawa. At least, kahit konti, kahit kaibigan lang, napahalagahan mo ako. Salamat. Ng marami.

Thursday, July 22, 2010

Palabas?

Marami nang nangyari mula nung unang beses niya akong sinamahan sa Rec. Area. Gustuhin ko mang isa-isahin, masyado na talagang maraming nangyari. Siguro, yung ilan sa mga tumatak sa isip ko, yung sinamahan niya ako sa roofdeck. Yung text niya sa akin the night before nung roofdeck night. Yung pagyaya niya na magpapicture kami. Yung paghawak niya sa kamay ko habang hinihintay namin yung camera na mag-shoot sa amin. Nung tinanong ko siya kung intimidating ba ako. At sinabi niyang "ok nga yun eh. Para sa akin, mas gusto ko iyon." At yung pagtitig niya sa akin ng nakangiti sabay sabing "mukhang naka-recover ka na ah." Yung pagsabi niya ng "at least successful naman siya sa trabaho niya, maganda ang future niyo." Yung pagpaamoy niya sa akin ng lemongrass na pinitas niya sa roofdeck. Yung paghawak niya sa kamay ko habang pababa na kami sa last few steps ng hagdanan sa 26th. Yung sinabi niyang ampunin ko siya pag wala na si ama dahil sinabi kong magisa na lang ako noon. Yung sinabi niyang July 1 ang birthday niya at iimbitahin niya sana ako pero walang handa. Yung pagsabi niya sa akin ng ingat bago kami maghiwalay sa ground floor. At noon ko lang naalala na nung July 1 pala na iyon, at siya ang nasa elevator, yun yung araw na may sinusulat siya sa logbook at sinisilip ko habang pilit naman niyang tinatago. Tapos nung sinara na niya yung logbook niya, hindi niya naman tinigilan ang pagpitik ng isang daliri niya sa forearm ko. Yung paghingi niya ng sorry sa ground floor habang nagpupunas siya ng pawis at yung hindi ka makatingin sa akin ng diretso at parang guilty na guilty ka. Yung pag-sigaw niya ng good morning sa akin nung umagang iyon. Yung pagtext niya sa akin para lang sabihin na nag-goodnight siya pero check op na siya kaya hindi na niya na-send. Yung pagtext niya sa akin para lang sabihin na uuwi na siya at ingat ako sa pagpasok ko. Yung sinabi niya sa aking ingat ako sabi ni John Lloyd at sinabi kong sige pakisabi kay John Lloyd thank you. Tapos sabi niya "sabi ko naman ingat ka always ah." Tapos sabi ko, "sa'yo na ba galing yan?" "yup, sa akin na." "thank you." Yung nung tinanong ko siya nung isang lunes kung bakit hindi niya ako nirereplyan at sinabi niyang wala siyang load, kinabukasan, bonggang-bonggang pagtetext ang ginawa niya sa akin. Nung nagusap ulit kami sa Rec.Area nung hapong iyon habang nagpapatila ng ulan. At ginawan ko ulit siya ng pangalawang tula at binasa ko sa kaniya. Yung ngiti niya habang pinakikinggan niya ako. Yung tinanong ko siya kung ilan na anak niya at asawa niya dahil hiningi niya sa akin ang picture niya at tinanong kung pwede bang i-tag sa fb. Tinanong ko siya kung meron ba siyang account, nang sabihin niya sa akin na wala, nag-volunteer ako na ako na lang ang gagawa pero kelangan niya ibigay sa akin ang infos niya. Kaya ko siya tinanong kung may-asawa na siya at sinabi niyang wala. Pinilit ko ang issue na to kaya sinabi kong may nakita akong singsing. Sabi niya silver, siya daw ang bumili nun. Eh ayaw kong i-let go ang topic kaya ang ginawa niya pinilit niyang kunin ang ID niya, sinikap niyang tanggalin sa lalagyan para ipakita sa akin na single ang status niya. Sabay hirit ng "ikaw, gusto mo?" Nung sinabi ko naman na parang ngayon lang nagsisink-in sa akin yung kay Mike, sabi niya "akala ko ba ok ka na?" "akala ko rin" "eh wala ka nang magagawa, may asawa na siya." Na medyo mataray pa ang pagkakasabi. Sasagutin sana kita nang "eh bakit ang taray mo" pero hindi ko ginawa. Yung pagsabi ko kung anung bawal niyang kainin dahil may sipon, ubo at sinat siya. At pagkatapos niyang marinig ang lahat ng bawal, sabi niya "eh wag na lang kaya kumain." Na sinagot ko naman na "pwede naman oatmeal." At nagtawanan kami pareho. Yung pinagbuksan niya ako ng pintuan ng nakangiti papuntang hagdanan nung pababa na kami. Tinanong niya sa akin kung totoo ba na nagkasunog sa likod na bahay namin na tulad ng nasabi ko sa kaniya sa text that morning. Nung tinanong niya ako kung kaming 2 lang ni ama. At nang sabihin kong oo, sabi niya "eh di pwede akong pumunta sa inyo". At sinagot ko siya ng "goodluck na lang sa iyo kung mahanap mo." Tapos nagtanong siya kung sa sta.cruz ba. Sabi ko hindi, pinaalala ko yung naging usapan namin ni lady guard noon na tungkol sa paglrt ko sa bambang. "Pag baba ba ng Bambang, malapit na iyon sa inyo?" "oo". Tapos nung paglabas namin ng main door, sabi niya "hatid kita dun." Tapos nung may nadaanan kaming pool of water, sabi niya "mag-tsinelas ka na lang kaya" "sige, bili mo ko sa sm" at nginitian ko siya. "buong araw kang nakasapatos?" "oo, wala naman akong choice eh. alangan naman pag pinatakbo ako ni boss sabihin ko teka lang magsasapatos muna ako." Habang naglalakad na tayo sa labas, tinanong mo ako kung ilang taon na si ama. Tapos nung nakaabot na tayo sa may exit ng parking, "hanggang dito na lang ako pwede." "akala ko hanggang dun pa.. cge." Habang tinitingnan tayo nung naka-duty sa parking exit. Yung pagdating ko sa bahay, may text ka pala na sabi mo "yngat po. yung cellphone mo baka madukot." Tapos yung pagpapatulong mo sa kapatid mo na makagawa ng fb account. At pagkatapos ay sinabi mo sa akin na i-add kita. Kaya lang nung in-add na kita, sabi mo naka log out ka na. At nung sinabi kong ok, kasi in-add na kita at kailangan ko ang confirmation mo para ma-tag ko sa'yo ang picture mo eh sabi mo sige i-accept mo muna ako. And true enough, in-accept mo nga ako kagad that night. Kinabukasan, brown out na sa building. Halos alas-3 noon, nagbabasa ako ng novel sa pwesto ko, nakarinig ako ng tap sa floor. Dalawang beses na magkasunod yung unang tap, tapos isang beses yung huli. 'Pag lingon ko, nakita kita, nakangiti ka. Nginitian kita sabay tayo. Lumabas ako. Pawis na pawis ka noon, panay ang punas mo sa pawis mo gamit ang kamay mo. Tapos sabi mo nahihilo ka na kaiikot. Tapos sabi ko "sige nga, ikot ka nga." At umikot ka nga talaga. Tapos sabi ko na-tag ko na yung picture mo. Hindi mo narinig kaya biniro kita ng bingi. Tapos sabi mo habang nangingiti, kapag may sipon, nabibingi din. Tapos nagpaalaman na tayo at umalis ka na. Tapos nung Biyernes, nagpasama ako sa'yo sa 5th floor, tinext kita. Reply mo sa akin "mamaya pa after mo mag-assist sa elevator." Naghintay ako sa 5th floor pero 6:30 na wala ka pa kaya tinanong na kita kung nasaan ka na. Noon ka lang nagsabi na iikot ka pa at baka 7 ka na matapos. Nainis ako sa'yo kaya sinabi ko sa'yo na sana sinabihan mo ako. 'Pagdating ko na bahay, may 2 kang text. Nagsosorry ka. Sabi mo alam mong nagalit ako. Tapos pinaliwanag mo sa akin kung bakit hindi ka nakakababa kagad. Tapos humingi ka ng pasensiya at tinanong mo ako kung nakauwi na ba ako. Sinagot kita na oo, kakarating ko lang sa bahay. At humingi rin ako ng pasensiya na nagalit ako. At pinaliwanag ko na ayaw ko kasi ng pinaaasa ako sa wala at hindi man lang ako iniinform kung sisiputin ba ako o hindi. Pero hindi mo na ako nireplyan. Hindi na rin ako nagtext pagkatapos noon. Nitong Tuesday lang. Malakas nanaman ang ulan. Nagpatila ako sa office, dahil alam kong wala ka naman noon kaya hindi na ako bumaba ng 5th floor. Nung pasado alas-siyete na, naisip ko nang bumaba na dahil naisip ko rin na dapat nandoon ka na sa reception. Pagbaba ko, hindi ako maka-sulyap sa reception. Paglabas ko ng main door, 3 silang nakaumiporme doon sa madalas mong upuan pero hindi ko rin sila tiningnan. Conscious na ako. Tapos nung naglalakad na ako sa labas, inisip kong tumawid sa SM dahil madilim na maxado doon sa parati kong dinadaanan. Tapos nung nakatawid na ako, hindi na sana ako dadaan sa taas, sa baba na lang sana ako dadaan pero maraming nakaharang na jeep kaya naisip ko na rin umakyat. 'Pag akyat ko, naisip kong pumasok sa SM para bayaran ang bill namin pero parang may nagtutulak sa akin na wag na lang. Kaya tumuloy na lang ako. Nasa may Jollibee na ako, pababa ng hagdanan nang makita kita. Sinasalubong mo ako ng nakangiti. Yung ngiti na kumikislap ang mga mata mo. Naka zip-up ka na sleeveless. Naka-display ang defined muscles mo sa braso. Pero mukha ka pa ring bata. May dala kang payong na malaki na dilaw at tinutupi mo siya habang sinasalubong mo ako. Nang makita kita, nginitian kita. Tapos hinawakan mo ako sa kaliwang kamay sa may wrist ko. Tapos sabi ko "late ka na" "oo nga eh" "wag ka nang pumasok, lika na uwi na lang tayo." Habang hawak mo pa ang wrist ko, binitiwan mo rin ito dahil pababa na ako pero naghawakan tayo sa kamay at hinihila kita pababa pero hindi ka nagpahila. Binitiwan rin kita. All the while nakangiti tayo. Tapos sabi mo "bagong gising ka". Tapos tinanong kita kung bakit hindi mo na ako tinetext sabi mo wala kang load. Tapos sinabi ko sa'yo na hindi ako galit sa'yo ha. Tapos tumango ka lang habang nakangiti. Tapos nagpaalam na ako. Laking pasalamat ko noon kay God kasi hinayaan niyang magkita tayo. Kung napaaga lang ako ng labas hindi na kita makakasalubong. Kung doon ako sa dati kong dinadaanan tumuloy, hindi tayo magkikita. Kung sa gilid ng SM ako dumaan, hindi tayo magkakasalubong. Kung pumasok ako ng SM para magbayad, hindi kita makakausap. Ilang araw na kitang gustong makausap dahil baka iniisip mo na galit ako sa'yo kaya hindi ka rin nagtetext sa akin. Binigyan Niya ako ng pagkakataon so that I won't end up a fool. Nung gabi ding iyon, nagtext ka sa akin sabi mo hindi man lang ako naggudnyt. daya." Nireplyan kita na bakit naman ako maggugudnyt eh hindi pa naman ako matutulog. Sumagot ka ulit sabi mo malalim na ang gabi. Pahinga time na. Nagreply pa ako, at tinanong din kita na sabi ko akala ko ba wala kang load. Hindi mo na ako sinagot. Nung matutulog na ako nung gabing iyon, naggood night ako sa'yo. Kagabi, naggoodnight din ako sa'yo nagreply ka sabi mo nytnyt din. tnx. Hindi ko gets kung para saan yung tnx mo. Pero hindi na kita tinanong. Ngayon naman nabasa ko yung msg mo sa fb kahapon, nangangamusta. Nireplyan kita. Pero nakita ko rin yung sinulat mo sa wall ng kapatid mo. Na-touched ako sa pinost mo. Ang sweet mong kuya. Kaya tinext kita, tinatanong kita kung pwede akong magapply bilang kapatid mo tutal naman gusto mo magpaampon sa akin, ako na lang ang ampunin mo. Ayaw mo, ang gusto mo ako ang aampon sa'yo. At nalaman ko nang bawal ka kasi magstay sa tinutuluyan mo ngayon dahil puro pangbabae lang doon. Marami pa akong gustong malaman tungkol sa'yo. Sana mabigyan ako ng pagkakataon. Pakiramdam ko ma-drama rin ang buhay mo. Pero sana, hindi tayo magbago sa isa't-isa. At kung may mababago man, sana to its improvement lang, nothing less. Please... Pero natatakot ako na baka hindi na ako mapagbigyan ng pagkakataon. Huwag naman sana. Please... Natatakot ako na magbago ka. Please, huwag sana.

 

Free Website templatesSEO Web Design AgencyMusic Videos Onlinefreethemes4all.comFree Blog TemplatesLast NewsFree CMS TemplatesFree CSS TemplatesFree Soccer VideosFree Wordpress ThemesFree Web Templates