Thursday, July 22, 2010

Palabas?

Marami nang nangyari mula nung unang beses niya akong sinamahan sa Rec. Area. Gustuhin ko mang isa-isahin, masyado na talagang maraming nangyari. Siguro, yung ilan sa mga tumatak sa isip ko, yung sinamahan niya ako sa roofdeck. Yung text niya sa akin the night before nung roofdeck night. Yung pagyaya niya na magpapicture kami. Yung paghawak niya sa kamay ko habang hinihintay namin yung camera na mag-shoot sa amin. Nung tinanong ko siya kung intimidating ba ako. At sinabi niyang "ok nga yun eh. Para sa akin, mas gusto ko iyon." At yung pagtitig niya sa akin ng nakangiti sabay sabing "mukhang naka-recover ka na ah." Yung pagsabi niya ng "at least successful naman siya sa trabaho niya, maganda ang future niyo." Yung pagpaamoy niya sa akin ng lemongrass na pinitas niya sa roofdeck. Yung paghawak niya sa kamay ko habang pababa na kami sa last few steps ng hagdanan sa 26th. Yung sinabi niyang ampunin ko siya pag wala na si ama dahil sinabi kong magisa na lang ako noon. Yung sinabi niyang July 1 ang birthday niya at iimbitahin niya sana ako pero walang handa. Yung pagsabi niya sa akin ng ingat bago kami maghiwalay sa ground floor. At noon ko lang naalala na nung July 1 pala na iyon, at siya ang nasa elevator, yun yung araw na may sinusulat siya sa logbook at sinisilip ko habang pilit naman niyang tinatago. Tapos nung sinara na niya yung logbook niya, hindi niya naman tinigilan ang pagpitik ng isang daliri niya sa forearm ko. Yung paghingi niya ng sorry sa ground floor habang nagpupunas siya ng pawis at yung hindi ka makatingin sa akin ng diretso at parang guilty na guilty ka. Yung pag-sigaw niya ng good morning sa akin nung umagang iyon. Yung pagtext niya sa akin para lang sabihin na nag-goodnight siya pero check op na siya kaya hindi na niya na-send. Yung pagtext niya sa akin para lang sabihin na uuwi na siya at ingat ako sa pagpasok ko. Yung sinabi niya sa aking ingat ako sabi ni John Lloyd at sinabi kong sige pakisabi kay John Lloyd thank you. Tapos sabi niya "sabi ko naman ingat ka always ah." Tapos sabi ko, "sa'yo na ba galing yan?" "yup, sa akin na." "thank you." Yung nung tinanong ko siya nung isang lunes kung bakit hindi niya ako nirereplyan at sinabi niyang wala siyang load, kinabukasan, bonggang-bonggang pagtetext ang ginawa niya sa akin. Nung nagusap ulit kami sa Rec.Area nung hapong iyon habang nagpapatila ng ulan. At ginawan ko ulit siya ng pangalawang tula at binasa ko sa kaniya. Yung ngiti niya habang pinakikinggan niya ako. Yung tinanong ko siya kung ilan na anak niya at asawa niya dahil hiningi niya sa akin ang picture niya at tinanong kung pwede bang i-tag sa fb. Tinanong ko siya kung meron ba siyang account, nang sabihin niya sa akin na wala, nag-volunteer ako na ako na lang ang gagawa pero kelangan niya ibigay sa akin ang infos niya. Kaya ko siya tinanong kung may-asawa na siya at sinabi niyang wala. Pinilit ko ang issue na to kaya sinabi kong may nakita akong singsing. Sabi niya silver, siya daw ang bumili nun. Eh ayaw kong i-let go ang topic kaya ang ginawa niya pinilit niyang kunin ang ID niya, sinikap niyang tanggalin sa lalagyan para ipakita sa akin na single ang status niya. Sabay hirit ng "ikaw, gusto mo?" Nung sinabi ko naman na parang ngayon lang nagsisink-in sa akin yung kay Mike, sabi niya "akala ko ba ok ka na?" "akala ko rin" "eh wala ka nang magagawa, may asawa na siya." Na medyo mataray pa ang pagkakasabi. Sasagutin sana kita nang "eh bakit ang taray mo" pero hindi ko ginawa. Yung pagsabi ko kung anung bawal niyang kainin dahil may sipon, ubo at sinat siya. At pagkatapos niyang marinig ang lahat ng bawal, sabi niya "eh wag na lang kaya kumain." Na sinagot ko naman na "pwede naman oatmeal." At nagtawanan kami pareho. Yung pinagbuksan niya ako ng pintuan ng nakangiti papuntang hagdanan nung pababa na kami. Tinanong niya sa akin kung totoo ba na nagkasunog sa likod na bahay namin na tulad ng nasabi ko sa kaniya sa text that morning. Nung tinanong niya ako kung kaming 2 lang ni ama. At nang sabihin kong oo, sabi niya "eh di pwede akong pumunta sa inyo". At sinagot ko siya ng "goodluck na lang sa iyo kung mahanap mo." Tapos nagtanong siya kung sa sta.cruz ba. Sabi ko hindi, pinaalala ko yung naging usapan namin ni lady guard noon na tungkol sa paglrt ko sa bambang. "Pag baba ba ng Bambang, malapit na iyon sa inyo?" "oo". Tapos nung paglabas namin ng main door, sabi niya "hatid kita dun." Tapos nung may nadaanan kaming pool of water, sabi niya "mag-tsinelas ka na lang kaya" "sige, bili mo ko sa sm" at nginitian ko siya. "buong araw kang nakasapatos?" "oo, wala naman akong choice eh. alangan naman pag pinatakbo ako ni boss sabihin ko teka lang magsasapatos muna ako." Habang naglalakad na tayo sa labas, tinanong mo ako kung ilang taon na si ama. Tapos nung nakaabot na tayo sa may exit ng parking, "hanggang dito na lang ako pwede." "akala ko hanggang dun pa.. cge." Habang tinitingnan tayo nung naka-duty sa parking exit. Yung pagdating ko sa bahay, may text ka pala na sabi mo "yngat po. yung cellphone mo baka madukot." Tapos yung pagpapatulong mo sa kapatid mo na makagawa ng fb account. At pagkatapos ay sinabi mo sa akin na i-add kita. Kaya lang nung in-add na kita, sabi mo naka log out ka na. At nung sinabi kong ok, kasi in-add na kita at kailangan ko ang confirmation mo para ma-tag ko sa'yo ang picture mo eh sabi mo sige i-accept mo muna ako. And true enough, in-accept mo nga ako kagad that night. Kinabukasan, brown out na sa building. Halos alas-3 noon, nagbabasa ako ng novel sa pwesto ko, nakarinig ako ng tap sa floor. Dalawang beses na magkasunod yung unang tap, tapos isang beses yung huli. 'Pag lingon ko, nakita kita, nakangiti ka. Nginitian kita sabay tayo. Lumabas ako. Pawis na pawis ka noon, panay ang punas mo sa pawis mo gamit ang kamay mo. Tapos sabi mo nahihilo ka na kaiikot. Tapos sabi ko "sige nga, ikot ka nga." At umikot ka nga talaga. Tapos sabi ko na-tag ko na yung picture mo. Hindi mo narinig kaya biniro kita ng bingi. Tapos sabi mo habang nangingiti, kapag may sipon, nabibingi din. Tapos nagpaalaman na tayo at umalis ka na. Tapos nung Biyernes, nagpasama ako sa'yo sa 5th floor, tinext kita. Reply mo sa akin "mamaya pa after mo mag-assist sa elevator." Naghintay ako sa 5th floor pero 6:30 na wala ka pa kaya tinanong na kita kung nasaan ka na. Noon ka lang nagsabi na iikot ka pa at baka 7 ka na matapos. Nainis ako sa'yo kaya sinabi ko sa'yo na sana sinabihan mo ako. 'Pagdating ko na bahay, may 2 kang text. Nagsosorry ka. Sabi mo alam mong nagalit ako. Tapos pinaliwanag mo sa akin kung bakit hindi ka nakakababa kagad. Tapos humingi ka ng pasensiya at tinanong mo ako kung nakauwi na ba ako. Sinagot kita na oo, kakarating ko lang sa bahay. At humingi rin ako ng pasensiya na nagalit ako. At pinaliwanag ko na ayaw ko kasi ng pinaaasa ako sa wala at hindi man lang ako iniinform kung sisiputin ba ako o hindi. Pero hindi mo na ako nireplyan. Hindi na rin ako nagtext pagkatapos noon. Nitong Tuesday lang. Malakas nanaman ang ulan. Nagpatila ako sa office, dahil alam kong wala ka naman noon kaya hindi na ako bumaba ng 5th floor. Nung pasado alas-siyete na, naisip ko nang bumaba na dahil naisip ko rin na dapat nandoon ka na sa reception. Pagbaba ko, hindi ako maka-sulyap sa reception. Paglabas ko ng main door, 3 silang nakaumiporme doon sa madalas mong upuan pero hindi ko rin sila tiningnan. Conscious na ako. Tapos nung naglalakad na ako sa labas, inisip kong tumawid sa SM dahil madilim na maxado doon sa parati kong dinadaanan. Tapos nung nakatawid na ako, hindi na sana ako dadaan sa taas, sa baba na lang sana ako dadaan pero maraming nakaharang na jeep kaya naisip ko na rin umakyat. 'Pag akyat ko, naisip kong pumasok sa SM para bayaran ang bill namin pero parang may nagtutulak sa akin na wag na lang. Kaya tumuloy na lang ako. Nasa may Jollibee na ako, pababa ng hagdanan nang makita kita. Sinasalubong mo ako ng nakangiti. Yung ngiti na kumikislap ang mga mata mo. Naka zip-up ka na sleeveless. Naka-display ang defined muscles mo sa braso. Pero mukha ka pa ring bata. May dala kang payong na malaki na dilaw at tinutupi mo siya habang sinasalubong mo ako. Nang makita kita, nginitian kita. Tapos hinawakan mo ako sa kaliwang kamay sa may wrist ko. Tapos sabi ko "late ka na" "oo nga eh" "wag ka nang pumasok, lika na uwi na lang tayo." Habang hawak mo pa ang wrist ko, binitiwan mo rin ito dahil pababa na ako pero naghawakan tayo sa kamay at hinihila kita pababa pero hindi ka nagpahila. Binitiwan rin kita. All the while nakangiti tayo. Tapos sabi mo "bagong gising ka". Tapos tinanong kita kung bakit hindi mo na ako tinetext sabi mo wala kang load. Tapos sinabi ko sa'yo na hindi ako galit sa'yo ha. Tapos tumango ka lang habang nakangiti. Tapos nagpaalam na ako. Laking pasalamat ko noon kay God kasi hinayaan niyang magkita tayo. Kung napaaga lang ako ng labas hindi na kita makakasalubong. Kung doon ako sa dati kong dinadaanan tumuloy, hindi tayo magkikita. Kung sa gilid ng SM ako dumaan, hindi tayo magkakasalubong. Kung pumasok ako ng SM para magbayad, hindi kita makakausap. Ilang araw na kitang gustong makausap dahil baka iniisip mo na galit ako sa'yo kaya hindi ka rin nagtetext sa akin. Binigyan Niya ako ng pagkakataon so that I won't end up a fool. Nung gabi ding iyon, nagtext ka sa akin sabi mo hindi man lang ako naggudnyt. daya." Nireplyan kita na bakit naman ako maggugudnyt eh hindi pa naman ako matutulog. Sumagot ka ulit sabi mo malalim na ang gabi. Pahinga time na. Nagreply pa ako, at tinanong din kita na sabi ko akala ko ba wala kang load. Hindi mo na ako sinagot. Nung matutulog na ako nung gabing iyon, naggood night ako sa'yo. Kagabi, naggoodnight din ako sa'yo nagreply ka sabi mo nytnyt din. tnx. Hindi ko gets kung para saan yung tnx mo. Pero hindi na kita tinanong. Ngayon naman nabasa ko yung msg mo sa fb kahapon, nangangamusta. Nireplyan kita. Pero nakita ko rin yung sinulat mo sa wall ng kapatid mo. Na-touched ako sa pinost mo. Ang sweet mong kuya. Kaya tinext kita, tinatanong kita kung pwede akong magapply bilang kapatid mo tutal naman gusto mo magpaampon sa akin, ako na lang ang ampunin mo. Ayaw mo, ang gusto mo ako ang aampon sa'yo. At nalaman ko nang bawal ka kasi magstay sa tinutuluyan mo ngayon dahil puro pangbabae lang doon. Marami pa akong gustong malaman tungkol sa'yo. Sana mabigyan ako ng pagkakataon. Pakiramdam ko ma-drama rin ang buhay mo. Pero sana, hindi tayo magbago sa isa't-isa. At kung may mababago man, sana to its improvement lang, nothing less. Please... Pero natatakot ako na baka hindi na ako mapagbigyan ng pagkakataon. Huwag naman sana. Please... Natatakot ako na magbago ka. Please, huwag sana.

No comments:

Post a Comment

 

Free Website templatesSEO Web Design AgencyMusic Videos Onlinefreethemes4all.comFree Blog TemplatesLast NewsFree CMS TemplatesFree CSS TemplatesFree Soccer VideosFree Wordpress ThemesFree Web Templates