Minsan nakakainis, ang bigat ng dala mo gustong-gusto mo umiyak pero wala ka naman mailuha. Pinipilit mong umiyak pero hindi mo magawa. Ang daming bumabagabag sa'yo. marami kang gustong sabihin pero hindi mo masabi dahil alam mong hindi tama. At siguro, alam mo rin na walang makikinig, o makakaintindi. Pero 'pag dumating yung araw na punong-puno ka na at para nang sasabog ang dibdib mo, kahit saan ka abutin ng luha, hindi mo mapipigilan. Gustuhin mo mang pigilin, hindi sapat ang lakas mo para mapatigil ang luha mo. Dadaloy at dadaloy siya, kasama ng lahat ng tiniis at naipon mong sama ng loob. Hindi mo siya mapapakiusapan na "huwag muna" aagos siya na walang pakialam kung sino ang nakakakita. Ang masama pa, habang dumadaloy siya, kasabay nun, bumabalik ang bawat sakit na tinago mo. Bawat alaala na naipon. Bawat salita na gusto mong sabihin at marinig. Bawat pagmamahal na gusto mong maramdaman at ipadama. Bawat pagkakamali na pinagsisisihan mo at gusto mong balikan para baguhin. Bawat pangarap na gusto mong mangyari pero huli na.
Yan ang pait ng bawat luha na tumutulo mula sa mga mata ko. Pigilan ko man ang isip ko, kung ano man ang laman ng puso ko, ilalabas pa rin ng luha ko. Kung kaya lang sana makita ng mga dapat na makakita ang damdamin ko sa bawat butil ng luha ko...

No comments:
Post a Comment