Wednesday, September 8, 2010

Last Take Care

Nung Lunes ng umaga, pagpasok ko, hindi ako nakasakay kaagad sa elevator pero ok lang kasi maaga pa naman eh. Nung nasa elevator na ako, grabe ang pawis ko. Sobrang init kasi sa labas lalo lang uminit sa elevator dahil kulob. Tiningnan ko ang reflection ko sa elevator, medyo ok pa naman ako hindi pa naman masyadong sabog ang buhok ko. Pag bukas ng pintuan, sabay labas mo sa pintuan sa stairs na katapat ng elevator. Nag good morning ako sa'yo. Nag good morning ka rin sa akin. First time nangyari iyon, masaya ako kasi at least unti-unti nang nabubuo ang schedule mo sa utak ko. Nung hapon, pinadeliver ko yung netbook ko. Hindi na dapat matutuloy iyon pero by God's grace, nadeliver siya. Gusto ko sana mga 3:30 to 4PM ideliver kasi alam kong nandoon siya sa baba ng ganong oras. Pero hindi nakaabot, pasado 4 na nung nakarating sa amin yung delivery. For some reason, hindi ko pinaakyat yung nagdeliver. Ako ang bumaba. Wala ka na nga doon. Yakap ko ang netbook ko habang naghihintay ako ng elevator, nang marinig ko ang boses mo. Bumilis ang tibok ng puso ko, malapit na ang elevator sa ground floor pero hindi pa kita nakikita. Nung nakita na kita, nakalingon ka naman sa reception dahil kausap ka ni lady guard. Ang narinig ko lang na sabi niya sa'yo magtext ka daw sa kaniya. Hindi ko alam kung kanino galing iyon, pero ayaw ko na isipin. Naka-sakay na kami sa elevator ng isa pang tenant ng sumigaw ka ng "up". Buti na lang nakahabol ka, tinabihan mo ako. Tinanong mo ako kung ano ang dala ko, nilapit ko sa'yo para makita mo. May isa pang plain box na lalagyan kaya hindi mo nakita ang laman. Tinanong mo ako kung LCD monitor ba, sabi ko netbook. Pilit mong binabasa kaya ang lapit mo na sa akin. Napansin kong hindi pala nakaharap sa'yo yung box kaya binabasa mo siya ng pabaliktad. Hinarap ko sa'yo nang mapansin ko sabay sabing "kulang ang isang buwan kong sweldo dito." Sabi mo "magkano?" "24990". Sabi mo "sa kanila naman iyan eh." Sabi ko "hindi ah, akin to." Sabay tingin ko sa'yo. Nun ko lang napansin na parang magulo ang buhok mo. Hindi ko alam kung naghilamos ka ba dahil parang damp pa ang mukha mo, unless pawis iyon. Which I doubt dahil magulo ang front side ng buhok mo. Pero in fairness, cute pa rin. Tapos sabi mo "personal?" "oo" tapos tiningnan mo ako na parang ayaw mong maniwala. Pero nakalabas na ako ng elevator kaya tinanguan na lang kita. Nung uwian na, hndi kita nakasabay. Pagbaba ko sa ground floor, nakita kita nakaupo dun sa tabi ng elevator. Matamlay. Akala ko may kung anong problema ka o may sakit ka nanaman. Yun pala bagong bunot ang ngipin mo. That night magkatext tayo pero bigla ka na lang hindi nagreply. Sabi mo naglalaba ka. After some time, nagtext ulit ako hindi mo na ako sinagot. Hindi ko alam kung bakit. Kahapon ng umaga, niyaya ako ni boss magbangko. Pagdating namin sa 4th floor, may nasilip akong nakauniporme pero nakatalikod. Naramdaman kong ikaw iyon pero hindi ako sigurado. Isa pa, naiinis ako sa'yo kasi nga bigla mo na lang ako dinedma. Habang hinihintay namin yung sasakyan na maihanda, narinig ko boses mo. May kausap ka sa kabila, hindi ako nakatiis nagsalita ako ng malakas "ang ingay ni Manango". Narinig kita, sabi mo "sino yon?" Nangiti ako pero hindi ako sumagot.Tapos lumapit ka sa side namin, nginitian kita, nakangiti kang lumapit, pero nakita mo si boss kaya nag good morning ka sa kaniya. Tapos nung nailabas na yung sasakyan habang papalapit ako pinapakiramdaman kita kasi lumalapit ka rin sa harap kung saan ako papunta. Alam kong pagbubuksan mo ako ng pintuan. Pero naunahan kita sa pintuan at habang binubuksan ko ang pintuan, tinanong kita kung tinulugan mo ako kagabi. Nakangiti ka lang all the while, at sabi mo hindi. Naisip ko, kung hindi mo ako tinulugan, ibig sabihn ba talagang hindi mo ako sinagot? Kaya inis talaga ako sa'yo. Nung nakasakay na ako, ikaw ang nagsarado ng pintuan ko at ng kay boss. Sabi ni Mang Toti, "roving ata siya. gwapo. Pero may asawa na yata, yun ang mahirap." Hindi ko alam kung bakit niya nasabi yon, hindi ko alam kung narinig ba niya nung tinanong kita kung tinulugan mo ba ako o may iba siyang napapansin o baka naman nabanggit lang niya. Nung hapon, lumabas ako ulit, pero kami na lang ni mang toti. Mga 1:20 na yata nung nakarating kami sa labas ng parking. Sa harap ulit ako umupo, naguusap kami ni Mang Toti nang paglingon ko sa kaniya, nakita kita. Dun sa dati mong pwesto, nakaupo ka pero hindi sa loob ng shed. Dun ka sa labas. 3 kayo doon. Nagtama ang mata natin pero umiwas ako ng tingin kaagad. Hindi ko alam kung nakita mo ako pero nakita kita, nakatawa kayo. Nung maguuwian na, nabasa ko ang horoscope ko, unintentionally ko nakita pero naintriga ako kaya binasa ko. Sabi niya, kung meron daw ako, imaginin ko lang daw at mangyayari. Inimagine ko na 2 lang tayo sa elevator. Nung uwian na, dahil nga sa inis pa ako sa'yo, wala na akong pakialam kung makasabay kita. Nung bumukas ang elevator sa kaliwa, alam kong si mang toti iyon dahil huminto sa 4th floor. Nung bumukas ang pintuan, nakita kita pero nakayuko ka sa logbook mo. Tinawag ako ni Mang Toti, at ang bati ko ay "late!" pero nakangiti ako. Napansin kong lumingon ka na sa akin pero kunwari hindi kita nakita. Tapos sabi mo "Hi Mam" habang nakatingin ako kay Mang Toti. Sabi ko "down" tapos biglang nagtanong si Mang Toti, kung nandon ba si boss. Sabi ko "yup". Pasara ang pintuan ng elevator noon. Nung pagbalik ni Mang Toti, I was half heartedly wishing na sana ikaw ang masakyan namin. Pero sabay na sabay kayo ng isa pang elevator. Buti na lang ikaw ang natapat sa amin. Pagbukas ng door, may isang babae na sa loob ng elevator. Naguusap kami ni Mang Toti noon, wala kang kaimik-imik. In the middle of our conversation, nakilala ni Mang Toti yung babae, at medyo kinausap niya siya. Nung finally lumabas na siya sa 2nd flr, nagumpisa akong kumanta. I was singing "Sana Maulit Muli" though hindi ko na maalala kung anong verse iyon, basta hindi yung 1st verse. Nagsalita ka, sabi mo "uwi na sila" tapos sabi ni Mang Toti "kayo kasi mamaya pa 12, ay 7" all the while, kumakanta ako. Tapos humarap ka sa akin, sabay sabi ni Mang Toti, "kinakantahan ka niya" sabay turo pa niya sa akin tapos sa'yo. Nakangiti ka, sabi ko "hindi noh" pero nakangiti rin ako at alam kong hindi ako nagblush. Tapos tamang-tama naman na bumukas na ang pintuan kaya lumabas na ako. Naguusap na ulit kami ni Mang Toti although nakaka dalawang hakbang pa lang ako mula sa elevator tapos narinig kitang sumigaw ng "ingat". Hindi na ako sumagot. Weird pero I got this feeling na huli na iyon. Pagkasakay ko, gusto kitang itext na ingat ka rin pero pride got the best of me kaya hindi na ako nagtext. Kanina, buong araw kitang hindi nakita. Nagulat na lang ako nung uwian na hindi ikaw ang nasa elevator at hindi rin yung reliever mo. Nasa jeep ako at hindi ako mapakali iba ang pakiramdam ko. Naisip ko na baka nalipat ka sa ibang bldg. Pero napansin ko rin na pati yung nasa entrance, iba ang mukha. Gusto kitang itext para tanungin ka pero naisip ko na bukas na lang. In the end, tinext pa rin kita at nalaman kong nagresign ka na, biglaan lang. Nakasagutan mo kasi yung OIC. Nalaman ko rin na naginuman kayo kagabi at napa trouble kayo. Sabi mo may bali ata ang balikat mo at maga ang pisngi mo at labi dahil nacutan ata sayo kaya pinanggigilan ka. The hell. Pano na ako ngayon? Ano na ang insipirasyon ko araw-araw para pumasok? Wala nang sisigaw ng good morning at ingat. Gusto kitang dalawin pero hindi ko kaya gawin. At alam kong mali. Nakakainis. Natatakot akong kalimutan mo ako.. Huwag ha. Pero alam mo sobrang grateful ako kay God. Alam Niyang huli na, kaya nilubos-lubos na Niya ang pagkakataon na binigay sa akin kahapon. Ingat ka ha. Ngayon pa lang miss na kita. Sana hindi mo ako kalimutan.

No comments:

Post a Comment

 

Free Website templatesSEO Web Design AgencyMusic Videos Onlinefreethemes4all.comFree Blog TemplatesLast NewsFree CMS TemplatesFree CSS TemplatesFree Soccer VideosFree Wordpress ThemesFree Web Templates