Pag gising ko kaninang umaga, wala na ang dating sigla ko sa pagpasok. Ayaw ko nga pumasok eh. Naalala ko kasi, pangumaga ka sana ngayon, kung nandiyan ka pa. Ibang-iba ang pakiramdam. Dati, ganado ako pumasok, nakaayos... Kanina, parang wala na akong pakialam. Wala na rin pampagana, wala nang inspirasyon.
Eksaktong dalawang linggo na ang nakakalipas, masaya pa ako na ikaw ang sumalubong sa akin bago ako pumasok sa opisina. Ngayon, ni hindi na ako lumilingon dahil alam kong hindi kita makikita. May babayaran sana ako pero hindi na katulad ng dati na gustong-gusto kong bumaba para makita ka, bukas ko na lang babayaran. At para bang biro ng pagkakataon, umulan kanina bago maguwian. Bakit pa? Wala ka na. Kung nangyari sana ito 2 weeks ago, baka nakasama pa kita ulit. At parang para lalong isampal sa akin ang sitwasyon na ito, may nag-doorbell yung kapalit mo kanina, may pinapirmahan. Shet! Naisip ko lang, iyon ang iniimagine kong mangyari noon pa. 2 linggo lang ang diperensiya. Kung nauna lang sana ng dalawang linggo ang memo na iyon o kaya nahuli lang ng dalawang linggo ang inuman niyo, eh di sana nagkatugma pa ang mga pangyayari.
Nung pauwi na ako, habang naghihintay ako ng elevator, iba na ang pananaw ko. Iniimagine ko pa rin kanina na ikaw ang makikita ko pagbukas ng elevator. Para pang totoo. Pero alam kong hindi na. Hay... Iba talaga 'pag wala ka. Wala ng inspirasyon, hindi na masaya, nothing more to look forward to.

No comments:
Post a Comment