Thursday, July 22, 2010

Alone

Ito nanaman ang panahon na nakakaramdam ako ng pagiisa. Hindi ako nagdradrama dahil lang sa pagaasawa niya. Gusto ko na rin matahimik. Feeling ko naman naka-moved on na rin ako. Kaya ko nang marinig ang mga kanta na dati ay hindi ko pwedeng marinig dahil paiiyakin lang ako. Although, hindi ko pa naman sinasagad ang pagtest sa sarili ko. Hindi ko pa napapakinggan ang theme songs namin. Ayaw ko pa. Mahirap na. Baka magkamali ako. Baka mali ako. At ayoko nang bumalik sa dati kong nararamdaman. I just want to be okay. Ayoko nang balikan yung feeling that I dwelt on dati.

Pero bakit ganun, kung kelan akala ko na wala pala magiging problema kay BT, bakit parang hindi pala mangyayari ang gusto ko. Oo, sabi ko noon hindi ako hihiling ng higit pa sa kung anong nararanasan ko noon, pero iyon ay dahil sa inakala kong hindi na pwede. Pero ngayong alam ko nang pwede pala, bakit parang hindi mangyayari? Bakit parang hindi naman pala ganoon ang intensiyon na? Naguguluhan ako. May mga sinasabi siya, may mga parinig siya pero bakit wala pa ring kunkretong pangyayari? Nadaya ba ako ng mata ko, ng tenga ko, ng damdamin ko? Inakala ko lang ba ang lahat dahil sa kagustuhan kong maka-move on dati? Inimagine ko lang ba ang lahat dahil sa kagustuhan kong may mabalingan? Mali nanaman ba ako ng nabalingan ng atensiyon? Am I going to suffer again? Simula nanaman ba ng cycle? Tatawanan ko nanaman ba ang sarili ko at sasabihang tanga? Pagod na ako... Hindi ko naman siya hinanap. Hindi ko rin hiniling. Hindi ako ang nauna. Hindi ako. Siya ang dumating sa buhay ko. Siya ang unang nagpapansin. Siya ang unang nagpahiwatig. Mali nanaman ba ako? Mali nanaman ba ako?

*knock*

*knock*

"looking for love..."

No comments:

Post a Comment

 

Free Website templatesSEO Web Design AgencyMusic Videos Onlinefreethemes4all.comFree Blog TemplatesLast NewsFree CMS TemplatesFree CSS TemplatesFree Soccer VideosFree Wordpress ThemesFree Web Templates