Namimiss nanaman kita. Umiiyak nanaman ako. Hindi ko nga alam kung hormonal change lang ba itong nararanasan ko eh. Minsan may mga gabi na ayaw ko matulog kasi kapag nakahiga na ako naiisip kita. Kapag wala akong ginagawa, my mind would always wander towards you. Kapag mag-isa na lang ako sa kwarto ko, ang lungkot. Sobrang lungkot. Noong tayo pa kasi, sa tuwing magkausap tayo sa cellphone, nakahiga ako sa kama. Bihira kitang kausap na wala ako sa loob ng kwarto. Kaya alam mo kung anong ginagawa ko para hindi ko maramdaman yung lungkot? Gabi-gabi, iniimagine ko katabi kita sa pagtulog. Tulad ng "ginagawa" natin noon. Nagkukunwari tayo na magkatabi tayong matutulog. Ganon pa rin ang ginagawa ko ngayon. Nagkukunwari, nag-i-imagine na katabi kita at kayakap mo akong matutulog. Doon lang kasi kita puwedeng makasama, sa isip ko lang.
Tuesday, May 4, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment