Birthday ko ngayon.. hindi mo ako binati.. I kept on hoping na sana maalala mo man lang akong batiin kahit na alam kong hindi mo gagawin. Akala ko, tuwing that time of the month lang kita naalala dahil sa hormones. Pero alam mo, kahit ngayon, namimiss kita. Naaalala kita. Kahit na may Boy Toy na.. alam mo ba na ikaw pa rin? Kahit na pinipilit kong maging ok na, alam mo ba naiisip pa rin kita? Umiiyak ako ngayon.. kasi gusto ko tayo pa rin. Kasi gusto ko maging masaya kasama ka. Sana may lakas ako ng loob na ipabasa sa iyo ang mga nandito. Pero naisip ko, kung ipabasa ko nga sa'yo 'to.. may mababago ba? Babalikan mo ba ako? O deadma lang? Alam mo, masakit pa rin kahit na isang taon na ang nakakalipas. Kahit na meron nang Boy Toy. Akala ko maloloko ko sarili ko na ok na ako 'pag nadivert na ang atensyon ko. But guess what? I had the shock of my life when I realized that I am still craving for "us". May kirot pa rin sa puso ko.. Masakit pa rin. Ibig ba sabihin noon, mahal pa rin kita despite of all my efforts? Niloloko ko lang ba ang sarili ko na kaya kong maka-move on?
Sabi ko kanina, ayaw kong malungkot, kasi birthday ko. Sabi ko kanina ayaw kong umiyak kasi birthday ko. Pero malungkot ako ngayon.. Umiiyak ako.. kasi birthday ko... At wala ka sa tabi ko.
Mahal pa rin kita.. Tayo na lang ulit?
Sabi ko kanina, ayaw kong malungkot, kasi birthday ko. Sabi ko kanina ayaw kong umiyak kasi birthday ko. Pero malungkot ako ngayon.. Umiiyak ako.. kasi birthday ko... At wala ka sa tabi ko.
Mahal pa rin kita.. Tayo na lang ulit?
No comments:
Post a Comment