Thursday, May 20, 2010

Namesake

Masaya ako. Nagkaroon na kasi ng pangalan ang mukha na parati kong hinahanap at nagpapasaya sa araw ko. Hindi ko alam ulit kung bakit ko naisipang bumaba kahapon sa Recreation Area ng almost 3PM na. Basta pakiramdam ko lang nandoon ka. Gusto ko ikwento dito ang buong pangyayari pero parang masyado namang mahaba. Basta ang hindi ko lang makalimutan ay ang ngiti at tawa mo. Hindi ko maintindihan kung bakit habang naguusap tayo sa may pool area, wala ka nang ibang ginawa kung hindi ngumiti ng ngumiti at tumawa ng tumawa. Kaya nga tinanong kita kung may dumi ba ako sa mukha o mukha ba akong clown eh. Hindi ko rin makalimutan yung tingin mo sa akin habang nasa hagdanan tayo. Ang lambing ng mga tingin na iyon. Nakakatunaw. Pero isang bagay ang hindi ko makalimutan at gumugulo sa isip ko. May suot kang singsing sa kanang kamay, sa little finger. Hindi ko maintindihan dahil gawa sa beads ito. Puti at transparent na beads ang "band" at ang pinaka tuktok ay may bulaklak na disenyo na gawa sa red and black beads. Ano ito? Pero hindi bale na, basta masaya ako.

Crush lang kita. Hanggang doon lang iyon.

At kung bakit naman pagbalik ko sa opisina ay nag-ym si Christine. Tapos ay ikaw ang sumagot sa akin. Tapos, pinapatanong mo kung saan ako nagtratrabaho at anong position ko. Bakit ka nagpaparamdam pag merong extraordinary na nangyayari sa amin ni Noel? Hindi ko alam kung nararamdaman mo ba iyon o nagkakataon lang. O meron bang gustong ipahiwatig sa akin ang Diyos o sinusubukan lang ako.

Basta ang alam ko lang ineenjoy ko lang ang buhay ko. Ineenjoy ko lang kung ano man ang nangyayari sa akin ngayon. Ineenjoy ko lang si Noel. Enjoy lang. Pero alam ko ang limitasyon ko. Mahal kita at crush ko siya. Kung ano man ang mangyayari sa mga susunod pang araw, hindi ko alam. Basta yung ngayon, enjoy ako. Masaya ako. Tini-treasure ko.

Tuesday, May 18, 2010

Wrong Timing

Mula pa noong una kong entry, dalawa lang ang tags na nilalagay ko. Minsan sumubok akong magsulat tungkol sa iba na makakadagdag sa tags ko. Pero bigla namang naudlot dahil may nag-PM. Ngayon, sa kauna-unahang pagkakataon, madadagdagan na ng bago. Hindi ito ang unang beses na mababanggit siya dito sa blog na ito pero ngayon ko lang siya nabigyan ng sarili niyang espasyo na wala siyang kahati. Si Boy-toy. Ilang araw ko na siyang hinahanap pero bigo ako. Kanina, kalahating oras akong late. Ngarag ako, pawis na, haggard-looking. 'Pag pasok ko sa building, pinatong ko ang gamit ko sa upuan sa may elevator. Habang sinusuklay ko ng daliri ko ang buhok ko, napa-lingon ako sa reception. Shet na malupet! Saktong napalingon ka sa direksyon ko. Nakatingin ka lang sa akin kaya kinawayan kita at binigyan ng ngiting matipid. Kinawayan mo rin ako at nginitian. At naisip ko, nakakainis. Kung kelan hindi ako handa, ang panget ko, saka kita nakita. Minus ganda points. Kainis talaga.

Hindi ako makatiis, 'pag akyat ko, nagtali ako ng buhok, nag-ayos ng konti at bumaba ulit para kunin ang sulat sa reception na hindi naman mahalaga. Tama ako ng diskarte. Patay malisya at hindi ako makatingin sa iyo kaagad. Pero nakikita ko sa gilid ng aking mga mata na nakatingin ka sa akin. Hindi ka nakatiis sabi mo "good morning mam". Tapos buti na lang, at siguro talagang love lang talaga ako ni God, chinika pa ako ni lady guard. Habang naguusap kami, tumitingin ka rin at nagtanong. Sinagot naman kita. Maikli lang iyon pero masaya na ako. Gusto ko pa sanang mag-stay pero alam kong hindi na dapat. Masaya ko. Basta masaya ako at sa wakas nakita din kita pagkatapos ng ilang araw na paghahanap. Meron akong mga gusto pero nahihiya na akong hingin pa pero alam ko naman na minsan hindi mo kailangan na sabihin pa basta nasa puso mo ang gusto mo, maririnig ka ni God. At alam kong ibibigay Niya ito kahit na hindi mo hilingin kung alam Niyang makakatulong ito sa iyo. Tulad ng pagtatagpo ng landas natin, Boy-toy. At nagpapasalamat ako doon. Sayang nga lang at hindi pupuwede. Hanggang crush lang ang pwedeng maramdaman ko para sa iyo. Kung ganoon ka man o hindi sa akin, hindi ko na aalamin at hindi ko rin hihingin na mangyari pa. Isa lang sana ang hiling ko, na sana hindi tayo magbago sa isa't-isa at manatili ang pagtrato natin sa isa't-isa tulad ng una nating pagkakakilala at una nating paguusap.

Hanggang kilig lang ako. At ito ang limitasyon ko na aware ako. :-)

Sunday, May 16, 2010

Happy Birthday!

Maraming salamat sa'yo. Binati mo ako nung 14. Late man ng isang araw, masaya ako. Salamat sa pagkumpleto mo sa birthday ko. Hindi ko alam kung alam mo, o kung nararamdaman mo pero yung isang bati mo na iyon, nahigitan ang kung ilang pagbati na natanggap ko noong 13. Kung meron man akong narealize noong araw na iyon, eh siguro kung ano ka sa akin.

Tanong ko nga kay Prime, bakit 'pag kay Boy Toy, kinikilig ako. Pero bakit 'pag ikaw nanlalamig ang mga palad ko, nanginginig ang mga kamay ko at nagpapalpitate ang puso ko? Simple lang ang sagot ni Prime, Iba talaga 'pag mahal mo. So I guess all my efforts are going to waste? Pero 'wag kang magalala, hindi ko babaunin ang bati mo na iyon. Sapat na yung isang araw lang na iyon. Tama na na naging masaya ako nung mismong araw na iyon. Hindi ko pwedeng dibdibin ang mga sinabi mo para hindi ako umasa at maghintay sa wala. Para hindi ako masaktan. Salamat sa isang araw. Salamat sa pagbati.

Friday, May 14, 2010

Thursday, May 13, 2010

Birthday

Birthday ko ngayon.. hindi mo ako binati.. I kept on hoping na sana maalala mo man lang akong batiin kahit na alam kong hindi mo gagawin. Akala ko, tuwing that time of the month lang kita naalala dahil sa hormones. Pero alam mo, kahit ngayon, namimiss kita. Naaalala kita. Kahit na may Boy Toy na.. alam mo ba na ikaw pa rin? Kahit na pinipilit kong maging ok na, alam mo ba naiisip pa rin kita? Umiiyak ako ngayon.. kasi gusto ko tayo pa rin. Kasi gusto ko maging masaya kasama ka. Sana may lakas ako ng loob na ipabasa sa iyo ang mga nandito. Pero naisip ko, kung ipabasa ko nga sa'yo 'to.. may mababago ba? Babalikan mo ba ako? O deadma lang? Alam mo, masakit pa rin kahit na isang taon na ang nakakalipas. Kahit na meron nang Boy Toy. Akala ko maloloko ko sarili ko na ok na ako 'pag nadivert na ang atensyon ko. But guess what? I had the shock of my life when I realized that I am still craving for "us". May kirot pa rin sa puso ko.. Masakit pa rin. Ibig ba sabihin noon, mahal pa rin kita despite of all my efforts? Niloloko ko lang ba ang sarili ko na kaya kong maka-move on?

Sabi ko kanina, ayaw kong malungkot, kasi birthday ko. Sabi ko kanina ayaw kong umiyak kasi birthday ko. Pero malungkot ako ngayon.. Umiiyak ako.. kasi birthday ko... At wala ka sa tabi ko.

Mahal pa rin kita.. Tayo na lang ulit?

Tuesday, May 4, 2010

Miss kita

Namimiss nanaman kita. Umiiyak nanaman ako. Hindi ko nga alam kung hormonal change lang ba itong nararanasan ko eh. Minsan may mga gabi na ayaw ko matulog kasi kapag nakahiga na ako naiisip kita. Kapag wala akong ginagawa, my mind would always wander towards you. Kapag mag-isa na lang ako sa kwarto ko, ang lungkot. Sobrang lungkot. Noong tayo pa kasi, sa tuwing magkausap tayo sa cellphone, nakahiga ako sa kama. Bihira kitang kausap na wala ako sa loob ng kwarto. Kaya alam mo kung anong ginagawa ko para hindi ko maramdaman yung lungkot? Gabi-gabi, iniimagine ko katabi kita sa pagtulog. Tulad ng "ginagawa" natin noon. Nagkukunwari tayo na magkatabi tayong matutulog. Ganon pa rin ang ginagawa ko ngayon. Nagkukunwari, nag-i-imagine na katabi kita at kayakap mo akong matutulog. Doon lang kasi kita puwedeng makasama, sa isip ko lang.

 

Free Website templatesSEO Web Design AgencyMusic Videos Onlinefreethemes4all.comFree Blog TemplatesLast NewsFree CMS TemplatesFree CSS TemplatesFree Soccer VideosFree Wordpress ThemesFree Web Templates