Friday, August 28, 2009

Ang Baso At Ang Puso

My friend sent me a forwarded quote the other day and it goes like this...

"Ang friend parang baso
minsan puno ng laman
minsan walang wala at nakataob
madalas napapabayaan
bumabagsak at nababasag
pero kung ikaw nabasag
pupulutin kita
di bale masugatan ako,
mabuo lang kita"

Simpleng quote para sa kaibigan di ba? Pero siyempre, dahil sa I'm still mending a broken heart, hindi maiiwasang i-relate ko ito sa katayuan ng puso ko.

Para sa taong mahal ko:
Kahit kailan, hindi ko itinago sa'yo kung gaano kita ka-mahal. Hindi ko ipinagkait sa'yo na malaman mo kung anong halaga mo sa akin. Masakit man ang nangyari sa atin, gusto kong malaman mo, na sa buhay ko, para ka ring isang baso. Hindi makukumpleto ang bawat araw ko kung wala ka, ibig sabihin, kailangan kita. Hindi kita pababayaan na matabing dahil baka mahulog ka, ibig sabihin, importante ka. Pero kung maaari, hindi kita gagamitin, ilalagay kita sa kung saan hindi ka madaling mababasag at marurumihan. Pakakaingatan kita. Ilalagay kita sa isang pedestal. Poproteksiyonan kita.

Kung sakaling ika'y mahulog at mabasag, ika'y aking pupulutin at bubuohin kahit na masugatan pa ako. At kung sakali nga na ako'y masugatan habang ika'y binubuo, huwag kang magalala, hindi ako magrereklamo at hindi rin ako titigil. Kailangan mong mabuo muli kahit na ano pa ang maging kapalit. Iyan ang sakripisyong kaya kong gawin para sa ikabubuti mo. Lahat gagawin ko, mabuo lang kita. At sa pagkakabuo mo, muli kitang ilalagay sa pedestal para hangaan ng mga makakakita sa'yo. At kung sa paghanga nila ay naisin nilang mapasa-kanila ka, ako'y magpaparaya. Hindi kita ipagdadamot kung alam kong mas maaalagaan ka nila. Ibibigay kita at ibibilin kong pakaingatan ka.

Kung dala ng mapagbirong tadhana ay muli kang mabasag at ibalik sa akin, hindi kita itatapon o tatanggihan. Tatanggapin kita at muli kong gagawin ang lahat upang mabuo ka. Ibubuhos ko ulit ang buong puso ko para lang buohin ang isang baso na minsang bumuo sa buhay ko.

Thursday, August 13, 2009

So Near and Yet So Far...

Whenever I would pass by this market when I go home from work, I would always find myself looking at those cute puppies outside the stores. I would often look at them with such fondness. My favorite kind are those pomeranian spitz. And I have seen them at one of those stores before. Since then, I would look out to those stores whenever I would pass by hoping to catch a glimpse of those pomeranian spitz. Sadly, it has been a while since I last saw one.

Kanina, while looking at the stores again hoping that there would be another pomeranian spitz there, I realized that what I am doing does not differ from reality. I have been looking out hoping to catch a glimpse of it and wishing I would finally have it with me. Funny thing is, what I am wishing for is not a pom spitz.

Tulad ng pinagdadaanan ko araw-araw, matagal-tagal na rin akong naghihintay. Siya na lang lagi ang laman ng isip ko, siya lang ang nakikita ko. Umaasa na balang-araw makakasama ko rin siya. Nagbabakasakali na sa masusuklian din niya ako. Pero tulad din ng pom spitz na inaasam ko, hindi ko ito nakukuha. Nandiyan lang siya alam ko. Pero hanggang dun lang, wala na nga sigurong mababago pa. Tulad ng mga pom spitz, hindi ko rin siya kayang abutin. Hanggang pangarap na lang ako. Minsan ko na inakalang pwede pero nabigo ako. Nagkalayo pa rin kami. Pero kahit na nagka-ganon, dumudungaw pa rin ako sa labas, masulyapan ko man lang siya. Hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na ipagdasal na maulit muli.

Pero sa ngayon...
Just like the pomeranian spitz that I have been wishing for,
I can only look...
And just look...

Wednesday, August 12, 2009

Whose Loss?

"Its his loss, not yours."

Madalas natin naririnig yan whenever couples break up. Sasabihin ng friends mo na yung taong nangiwan ang nawalan at hindi yung iniwan. Sa akin, ganon din ang narinig ko. Kawalan daw niya yun at hindi sa akin.

Honestly, kapag iniwan tayo ng taong mahal natin, iisipin mo ba na kawalan niya yun? Naniniwala ka ba talaga na siya ang nawalan at hindi ikaw? Ako kasi, hindi. Paano mo ako makukumbinsi na siya ang nawalan kung ako ang nahihirapan? Kung kawalan niya, bakit ako ang umiiyak? Bakit ako ang nasasaktan? Bakit ako ang hindi ok? Bakit ako ang hindi maka-move on? Kung siya ang nawalan, hindi ba dapat ok na ako ngayon? Hindi ba dapat naka move on na ako? Hindi ba dapat hindi ko na siya naiisip? Hindi ba dapat hindi ako nanghihinayang sa pinagsamahan namin? Hindi ba dapat hindi ko na siya namimiss?

Pero sa kalagayan ko ngayon, I'm far from being ok. Hindi lumilipas ang araw na hindi siya sumasagi sa isip ko. Hindi natatapos ang araw na hindi ako naiiyak dahil naalala ko ang kahapon namin. Oo, negative ako. Nagseself pity ako. Kasi hindi ko maiwasan na sisihin ang sarili ko sa nangyari sa amin. Siguro nga kasalanan ko. Kaya ngayon, ako ang nagsa-suffer. Buti pa siya ok siya. Buti pa siya masaya siya. Eh ako? Nasan ako ngayon? Bakit ang dilim ng mundo ko? Kawalan niya di ba? Pero bakit ako ang stucked sa ganitong sitwasyon?

Masarap paniwalaan na siya ang nawalan at hindi ako. Pero pag tinitingnan ko ang sarili ko, hindi ko maipagkaila na ako ang nawalan at hindi siya. Ako ang nawalan ng minamahal. Ako ang nawalan ng partner. Ako ang nawalan ng karamay. Ako ang nawalan. Umaamin ako.

Hindi ako magmamataas. Hindi ako magpapanggap na ok lang sa akin dahil naniniwala akong hindi ako ang nawalan. Magpapakatotoo ako. Ako ang nawalan. Mahal ko siya at ako ang iniwan. Kawalan siya sa akin. Yan ang totoo.

Tuesday, August 11, 2009

Love... Is It Worth It? Part 2

Ilang beses na akong nagmahal. Ilang beses na rin akong nasaktan. Sabi ng mga kaibigan ko, iba daw ako magmahal. Yung tipong ibibigay ang buong puso. Iaalay ang buong buhay para lang sa taong mahal ko. Oo nga, tama sila, ganon nga ako. Sobra kung magmahal. Kaya nga 'pag nasaktan, sobra din. Tulad ngayon... Sobra ko siyang minahal. Halos paikutin ko ang buong mundo ko sa kaniya. HALOS, dahil hindi ko naman isinantabi ang pamilya ko kapalit niya. Pero inaamin ko, binago ko ang takbo ng buhay ko. Binago ko, ayon sa plano niya. Binago ko, para kasama siya. Pinagpalit ko bawat pangarap ko, para sa kaniya. Akala ko ok na. Wala ng problema. Pero, mali ako.

Nag-adjust ako, pero hindi pa rin sapat. Nagbago ako pero kulang pa rin. Kung iisipin, lahat na yata ng pwede at dapat kong gawin, ginawa ko na. So, bakit ganon? Nawala pa rin siya? Minsan, naisip ko, unfair ang buhay. Bakit? Kasi ba naman, may mga taong hindi naman marunong magmahal, yun bang tipong pinaglalaruan lang ang mga tao sa paligid niya, pero minamahal ng totoo. Samantalang yung mga taong nagmamahal ng totoo, heto, tinatapon lang. Unfair noh?! Bakit ba kasi hindi pwedeng yung mahal mo, mahal ka rin. Para wala nang malungkot. Hindi ba pwede yun? Yung magmahal nang hindi ka iiyak? Bitter ako noh? Actually, alam ko naman na pwede naman mangyari na pag nagmahal ka, hindi ka iiyak. Yun nga lang, dapat yung taong mahal mo, mahal ka rin. Para hindi ka iiyak.

Pero.. hindi rin. Minsan kasi kulang ang pagmamahal lang. Parang sa amin.. Mahal naman namin ang isa't isa. Pero iyakan pa rin ang ending namin. Hindi ko alam kung paano ang gagawin ko para maayos. O kung maayos pa ba. Hindi ko alam kung paano kami nagkaganito. O siguro, ayaw ko lang harapin. Mahirap kasi harapin yun eh. Yung bagay na naglayo sa inyo. Parang babalikan mo nanaman ang mga pangyayari. Parang flashback na nangyayari sa mga pelikula. Hindi ba kapag nagmumuni-muni ang mga bida sa pelikula at binabalikan ang mga pangyayari sa buhay nila, madalas sa hindi, umiiyak sila? Ganon din kasi ang nangyayari sa akin eh. Sa tuwing babalikan ko ang mga araw na magkasama kami, naiiyak ako. Masakit eh.

We used to be happy. Perfect na nga sana eh. Pero itong si LIFE nanggulo. Ewan ko nga ba kung anong kasalanan ko sa LIFE. Para bang ang laki ng galit niya sa akin. Parang bawal akong maging masaya. Parang ayaw niya akong sumaya. Hindi ko maintindihan kung bakit ganon. Wala naman akong inaapakan. Pero bakit hindi niya na lang ako hayaang maging masaya sa piling ng taong mahal ko at mahal ako? Simple lang naman ang hiling ko eh. Gusto ko lang maging masaya. Wala naman akong hinihiling na magpapahamak sa iba. Ni hindi ako humingi ng materyal na bagay. Siya lang ang hiniling ko. Siya lang. Pero siyempre, as usual, hindi nanaman ako pinagbigyan. Simple lang na hiling pero hindi pa rin pwedeng mapagbigyan.

Ang hinihiling ko na lang ngayon, maging ok na ako. Pero siyempre, as if its such a big wish, bigo nanaman ako na makamtan yun. Bakit ba hindi na lang pwedeng ok na ako? Hanggang kailan ko ba dapat na maramdaman yung sakit? Kailangan ba namnamin ko bawat kirot ng puso ko? Kung bakit naman kasi sa dami ng advanced technology na meron tayo ngayon, bakit wala pa'ng nakakaimbento ng band-aid para sa sugatang puso? Bakit walang aspirin sa pusong makirot? Wala bang bakuna para sa puso para hindi tamaan ng heartache?

Kung sa iba, worthy of pain daw ang love.. Well, I beg to disagree.. Pero para sa akin, its not worthy. I may sound bitter here pero kasi hindi talaga eh. Ako, kung pupwede sana, ayoko nang magmahal. Kasi kakambal ng pagmamahal ang sakit. Once na nagmahal ka, exposed ka sa pain. Kaya kung pwede sana ayoko na talagang magmahal pa. Para hindi na rin ako masaktan. I just want to avoid risking myself from being hurt. Siya na lang sana ang huling taong mamahalin ko. Sapat na. Hindi bale nang mag isa. Basta't 'wag lang masasaktan ulit ang puso ko. Kasi, pag nasaktan ulit ako, baka hindi ko na kayanin pa. Ngayon pa lang, hindi ko na kinakaya. Para akong nadudurog. Parang napakadilim ng daan na tinatahak ko. Masakit. Pero aaminin ko, siya pa rin ang mahal ko. Siya pa rin ang gusto ko.

Siya pa rin.
Kahit na alam kong sa kaniya...
hindi na ako.
 

Free Website templatesSEO Web Design AgencyMusic Videos Onlinefreethemes4all.comFree Blog TemplatesLast NewsFree CMS TemplatesFree CSS TemplatesFree Soccer VideosFree Wordpress ThemesFree Web Templates