Monday, September 20, 2010

Rubbing Salt to My Wound

Pag gising ko kaninang umaga, wala na ang dating sigla ko sa pagpasok. Ayaw ko nga pumasok eh. Naalala ko kasi, pangumaga ka sana ngayon, kung nandiyan ka pa. Ibang-iba ang pakiramdam. Dati, ganado ako pumasok, nakaayos... Kanina, parang wala na akong pakialam. Wala na rin pampagana, wala nang inspirasyon.

Eksaktong dalawang linggo na ang nakakalipas, masaya pa ako na ikaw ang sumalubong sa akin bago ako pumasok sa opisina. Ngayon, ni hindi na ako lumilingon dahil alam kong hindi kita makikita. May babayaran sana ako pero hindi na katulad ng dati na gustong-gusto kong bumaba para makita ka, bukas ko na lang babayaran. At para bang biro ng pagkakataon, umulan kanina bago maguwian. Bakit pa? Wala ka na. Kung nangyari sana ito 2 weeks ago, baka nakasama pa kita ulit. At parang para lalong isampal sa akin ang sitwasyon na ito, may nag-doorbell yung kapalit mo kanina, may pinapirmahan. Shet! Naisip ko lang, iyon ang iniimagine kong mangyari noon pa. 2 linggo lang ang diperensiya. Kung nauna lang sana ng dalawang linggo ang memo na iyon o kaya nahuli lang ng dalawang linggo ang inuman niyo, eh di sana nagkatugma pa ang mga pangyayari.

Nung pauwi na ako, habang naghihintay ako ng elevator, iba na ang pananaw ko. Iniimagine ko pa rin kanina na ikaw ang makikita ko pagbukas ng elevator. Para pang totoo. Pero alam kong hindi na. Hay... Iba talaga 'pag wala ka. Wala ng inspirasyon, hindi na masaya, nothing more to look forward to.

Monday, September 13, 2010

Not that MONDAY

It has exactly been a week since that day. I was wearing the same shirt, the same pants, the same socks, the same shoes, even the same bag. But you know what is the only difference? You are not there anymore. I have nothing to look forward to anymore.

I was very happy last Monday. Because you were the one who greeted me upon emerging from the elevator. Although you look tired already, you still managed to retain that boyish face. That face that I will never get tired of looking at.

Am I?

Why do I hurt when you say friends?
Why does it pain me when you call me best?

Alam ko naman na hindi pa eh. Pero bakit ganito? Hindi ko pwedeng hayaan na mangyari 'yon dahil walang sasalo. Masasaktan lang ako. Hindi ko naiintindihan, pero para akong pinagsakluban ng langit at lupa nang malaman ko ang nangyari. Hindi pa ako handa. Ni hindi ako nakapaghanda. Although oo, binigay sa akin lahat ng huling pagkakataon pero hindi pa ako handa. Ni hindi ko alam na huli na 'yon.

Mula noon, iba na ang tingin ko sa lugar na ito. Hindi na tulad ng dati. Parang wala nang sigla. Dumilim. Tumahimik. My days here will never be the same again. Ever. Iba na ang pakiramdam pag nasa ground floor ako. Iba na lalo kapag nasa elevator ako. Iba na rin ang environment kapag aalis ako. Wala nang good morning. Wala nang hi. Pero higit sa lahat, wala nang ingat. Ang laki ng pinagbago ng lugar na ito. Pero alam ko I spent almost a year happily here, because of you. Pero sana you won't disappoint me and turn out to be one of those deceiving monsters. Tanggap ko na yung bestfriend, huwag na lang sana magbago into worse.


Sunday, September 12, 2010

Bestfriend

Hindi ko alam kung paano.. hindi pa ako handa na mawala ka.. Ikaw ang naging inspirasyon ko sa bawat linggo. Paano na ngayon? Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko pero ang alam ko lang hindi pa kita mahal. I constantly remind myself na bestfriend kita kahit na hindi ko alam kung para sa'yo bestfriend mo rin ako. Malamang, sa papel mo lang ako bestfriend. Pero kung ano man ang totoo, at ano man ang mangyari, alam kong para sa ikabubuti nang lahat. Ngayon pa, pagkatapos na ibigay sa akin ni God ang mga hiling ng puso ko. Pero alam ko... bestfriend mo lang dapat ako. Bestfriend.

Friday, September 10, 2010

God Moves In Mysterious Ways

Hindi pa rin ako maka-get over sa mga pangyayari. Sa tuwing naaalala ko, I get amazed pa rin on how great the Lord is. Binigay Niya sa akin ang bawat pagkakataon para sa bawat pangyayaring gusto kong gawin. Sa loob ng dalawang araw, binigay Niya sa akin. Ngayon tuloy nahihiya na akong humiling sa Kaniya dahil baka sabihin Niya abusado naman ako. At isa pa, napatunayan ko na talagang nasa puso natin Siya, na minsan hindi natin kailangan hilingin dahil alam na Niya kaagad kung ano ang laman ng puso natin. At kung makakabuti ito sa atin, hindi man natin hingin, kusa Niyang ibibigay sa atin. I'm so amazed on how God works. God is good. He is the best.


Thursday, September 9, 2010

 

Free Website templatesSEO Web Design AgencyMusic Videos Onlinefreethemes4all.comFree Blog TemplatesLast NewsFree CMS TemplatesFree CSS TemplatesFree Soccer VideosFree Wordpress ThemesFree Web Templates