Monday, January 10, 2011

Pissed off!

Masaya tayo kanina, nung tayo palang. Pero, hindi ko alam kung napansin mo na nung dumating siya, nagbago ang mood ko. Nakangiti ako sa'yo kanina pagdating ko pero nung pumasok siya, automatic ang pagsimangot ko. I caught you ogling at her. Tsk tsk tsk. Lalaki ka talaga. Para akong tanga noh? Ako yung masyadong apektado. Pero ang totoo, hindi naman dapat. Ewan ko ba, sa tuwing makikita ko siya at maririnig ko ang boses niya, nabubuwisit ako. Naiinis ako. Nanggigigil ako. Siguro kasi... wala. Hindi ko alam kung bakit talaga. Ni wala akong sigurong dahilan na maisagot. Naiinis ako sa ginawa niyang pagpuwesto kanina. Naiirita ako. Sana dumating na yung isa para matapos na ang kalokohang ginagawa niya.

Hindi ko alam how to put into words ang lahat ng laman ng dibdib ko. Sana maramdaman mo na tuwing pupuntahan kita at nandoon siya, iba ang pakikitungo ko sa'yo. Nakayuko lang ako, hindi kita tinitingnan at kinakausap. Nagiiwan lang ako ng mga notes sa'yo. Ayaw ko kasing nangingialam siya eh. Ewan, feeling ko, para tayong may sikreto na sa atin lang. Pero ang totoo alam kong sinasabi mo rin sa kaniya. Minsan nga tinitingnan pa niya kung ano ang laman ng notes ko eh. Dun ako lalong naiinis.

Kanina, sinabi mo sa kaniya "mabait ako na bata". Nginitian kita, tumawa ka at siya. Pero ang hindi mo alam, masakit 'yon. At least nalaman kong "bata" lang ako.

Thursday, January 6, 2011

Tama na.

Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis kapag magkasama kayo. Gusto ko parati lang kitang nakikita. Ayaw kong mawala ka sa paningin ko lalo na kung alam kong siya ang kasama mo. Shet. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Mas gusto ko na ang kasama mo eh yung dapat mong kasama. Hindi siya. Sino ba kasi siya di ba. Alam kong friendly ka pero parang hindi na tama. Hindi lang ako ang nakakahalata. May iba ring nakakapansin. Ano ba ang problema mo?! Hindi na tama, alam mo ba.

Nakakainis lang lalo na apektado ako kahit na hindi naman dapat. Ni hindi ko alam kung bakit ako ang nagrereact eh pareho lang naman kaming walang karapatan. Alam ko kung ano ang tingin mo sa akin at naisip ko na rin na baka mapalitan niya ako sa mga mata mo. Pero yun nga lang ba ang dahilan? Alam mo ba, na ikaw ang gusto kong gawing basehan? Iba ka kasi eh, almost perfect. Sana yung may karapatang sumama sa'yo, dumating na. Kung ano-ano na kasi ang naglalaro sa isip ko pag itong isa ang kasama mo eh. Hindi na maganda. Baka mawala ang respeto ko sa'yo.

Sunday, January 2, 2011

Left

A new year has begun. It never occurred to me but I enjoyed the new year's eve celebration and the new year activities. A part of me is sad because I do not know if at the end of this new year will still be this happy but I know that I cannot dwell on negativity on the onset of a new year, right? So I just enjoyed the feeling of happiness. We watched the fireworks from my room's terrace and then had some story telling. The next day, we went to MOA and we had a blast, with my mother. I am having a good start. I think I can say that. And I want to be able to continue this positivity all throughout the year and on the succeeding years of my life.

Happy 2011!

Saturday, December 25, 2010

Happy Birthday

Happy birthday Papa Jesus! Yes, its Christmas day today and I wish to be happy. Oo na, medyo senti mode ako pero sandali lang naman siguro ito. Well, hindi mo rin naman ako masisisi noh, may pinagdadaanan ako eh. Pero nevertheless, kailangan maging masaya. Sa simpleng dahilan na gusto kong maging masaya. Marami rin namang dahilan para maging masaya eh. Una, dahil kasama ko pa si ama. Pangalawa, nahanap ko na ulit yung kanta na gustong-gusto ko nung bata pa ako. Yung theme song ng Butterfly Lovers na pinanonood ko nung high school pa ako. Pangatlo, dahil Christmas nga today. I think its enough reason to be happy.

So ayun, Merry Christmas everyone!!! :-D

Tuesday, December 21, 2010

Afraid For You To Change

Paano ko ba sasabihin sa'yo na ayaw kong magbago ka. Natatakot ako eh. Kasi baka ngayon na meron ka nang ibang pwede mong kausap, kasama, baka kalimutan mo na ako. Kasi kahit na bali-baliktarin natin ang mundo, hindi ko mababago ang katotohanan na magkaiba tayo. Sa lahat ng bagay magkaiba tayo. Sa ngayon, wala pa naman akong nararamdaman na pagbabago sa pakikitungo mo sa akin pero hindi ko hawak ang bukas. At hindi rin kita hawak. Walang imposible. Sana talaga hindi ka magbago. Sana ako pa rin. Kahit ganito lang tayo. Basta ako pa rin ang apple of your eyes. Pleeaasssseee?!

Friday, December 10, 2010

Apple of Your Eye

I know I am the apple of your eye here, but I know I am but a substitute for the real thing. I feel tingly all over whenever I feel your hand brush against mine. I love the way you turn your head and look at me that day in the car. I like the warmness of your eyes whenever you look at me. I just can't shake this fondness that I am feeling towards you. Even though I know I am just a temporary substitute.
 

Free Website templatesSEO Web Design AgencyMusic Videos Onlinefreethemes4all.comFree Blog TemplatesLast NewsFree CMS TemplatesFree CSS TemplatesFree Soccer VideosFree Wordpress ThemesFree Web Templates