Wednesday, June 16, 2010

Interview

Masaya ako kasi nakita ko siya. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya kasi almost before 12 noon ako bumaba para kunin yung package ni Boss. Actually binalak ko pa nga na hapon ko na lang kunin eh, pagdating ng pasado alas tres. Pero naisip ko na lang na bumaba na. So ayun pagbaba ko, andun siya sa may pintuan namin, sa entrance. Siguro siya ang nag-relieve dun sa naka-poste doon para makapag-lunch yun. Anyway, masaya ako doon. Tapos ngayon naman, nakita ko siya ulit sa Recreation Area. Nag-hi siya akin. Kinawayan ko siya. Hay... doon siya nakaupo sa tapat ng inuupuan ko, na malapit sa terrace. Naisip ko, nakakatawa ang sitwasyon namin. Ilang floors lang ang pagitan namin. Para bang isisigaw ko lang ang pangalan niya dito at maririnig na niya ako. Ewan ko, hindi ko maipaliwanag. Basta, pakiramdam ko, ang lapit lang namin. Parang abot kamay. Nakakatawa dahil alam kong hindi ko siya "maaabot". Sa simpleng dahilan na alam kong hindi na siya malaya.

May binabalak ako, gusto ko siyang makakwentuhan nang matagal-tagal, at nang kaming dalawa lang. Pero alam kong hindi mangyayari yun. Kaya naisip ko, bakit kaya hindi ako magkunwaring "iinterviewhin" ko siya? Pero hindi ako makaisip ng dahilan para interviewhin siya. Ayokong idamay ang opisina. Nagi-guilty naman akong magsinungaling sa kaniya. At, paano kung tumanggi siya? Paano kung sabihin niya sa akin na bawal sa kanila ang magpa interview? Kasi, naisip ko na kukunan ko siya ng stills at ng video na rin using my digicam. Oh di ba, hindi na ako mahihirapan na mag-stolen shot sa kaniya. hahaha. Pero sana pumayag siya. Hindi pa naman sa ngayon. At hindi ko pa alam kung kailan. Hinihintay ko pa, kapag determined na ako saka ko na isasakatuparan ito. But first, I have to think things thoroughly. I have to have a concrete plan. I have to be prepared. I have to have a plan A and a plan B. I don't know if I should go all the way for a plan C. But well.. Anyhow, I am not rushing this one. If it is meant for me to do this, then opportunity will knock on my door on its own.

Monday, June 14, 2010

Urge

Oh shit! I have been reading this blog by a waiter on the net and is being tortured by my urge to blog also. My problem is, I don't have anything to blog about, yet. Today is a holiday, and I suppose this is the week when Noel will be up in a day shift after a week of night shift. Yeah, damn. I can only blog about Noel again. Well, that's the only thing on my mind right now. He is the only one on my mind right now. I have been anticipating for the start of this new week, because as I have "researched" it seems like they rotate shifts weekly. Last week, as I conclude, is a night shift for Noel, so this week should be his day shift. As always, I look forward to this kind of schedule of his, but I know that I only have chances. I have chances to see him, maybe make small talks with him, hopefully be able to bond with him a little, but I only have chances. Circumstances are indefinite. But I still look forward for these chances. At least, I know where to look for him, and I know when. It does not deliver a 100% guarantee but I'd take chances, how small they may seem. Fuck! This crush thingy is making my head hurt a little. But I assure you, at least for now, this is the headache that I want to experience. Why? Because a single smile from him, will make any bad day of mine a whole lot better, if not perfect. Damn! I miss those smiles, along with his set of twinkling eyes. *sigh*

Thursday, June 10, 2010

At 5th

Even as the leaves are swaying,
even as the wind is blowing,
I cannot resist wandering,
wondering where you are.

If I am to come everyday,
will it be you that I find?
If I am to look for you in the day,
will you be here in the night?
If I am to give in to what it seems,
will you finally admit, or simply deny?

Monday, June 7, 2010

Panakip Butas

Alam ko unfair para sa'yo kahit na wala kang kaalam-alam sa ginagawa ko. Sa'yo ako nagre-rely ng kaligayahan sa bawat araw. Ginagawa kitang panakip-butas. Unfair din ito sa akin, dahil alam kong niloloko ko lang ang sarili ko. Patunay ang nagdaang weekend. Umiyak ako dahil naiisip ko nanaman si Mike. Pero pinilit kong isipin ka para mabawasan ang lungkot ko. Pero hindi nakatulong. Masaya ako 'pag nakikita kita, pero mas nagiging masaya ako 'pag nakakausap kita. Umaabuso na actually. Dati, masaya na ako na makita ka lang. Tapos ang gusto ko na yung nagbabatian tayo. Ngayon, mas nagiging masaya na ako 'pag nakakausap kita. Pero alam mo, 'pag hindi kita nakikita, pilitin ko man ang sarili ko na maging masaya sa pamamagitan ng pag-iisip sa'yo, hindi ko magawa. Mas malakas pa rin ang epekto ni Mike. Dahil siya pa rin ang naiisip ko. At umiiyak pa rin ako 'pag naaalala ko siya.

Pero hanap-hanap kita araw-araw 'pag may pasok. Actually, muntik na akong pumunta dito nung Sabado. Para mag-shoot. At ang pinaka-importante, para makausap kita. Iniimagine ko, kung paano kaya kung magkaroon tayo ng pagkakataon na makapag-usap ng mas matagal. Ng tayo lang dalawa, ano kaya ang mga mapag-uusapan natin? Ano kaya ang mga malalaman ko tungkol sa'yo? Maaapektuhan kaya ako 'pag narinig ko na sa'yo na hindi ka na nga malaya? Sana may ganung araw noh? Sana mangyari yun, yung makausap kita ng tayong dalawa lang, ng matagal. Sana nga...

Wednesday, June 2, 2010

"Mamaya na lang..."

Nangoleksyon ako kanina, at sumilip ako sa may reception pagdating namin. Nasa sasakyan ako at nahagip ng mata ko na dalawa kayong naka-uniform na nandoon sa reception. Kinutoban ako na baka ikaw yun kahit na hindi ko nakita ang mukha mo. Gusto ko sana bumaba na pero alanganin na ang direksyon ng sasakyan. Nagisip kaagad ako ng paraan kung paano ako makakababa. So nag-intercom ako at tama namang may PLDT billing sa baba. Kaya bumaba ako pagkatapos kong mag-spray ng sangkatutak na pabango.

Matagal akong nandoon. Kausap ko si lady guard pero sumasali ka rin. So ngayon, alam mo na na sa Bambang ako sumasakay ng LRT. Alam mo na rin na half-chinese ako. At alam mo na rin na meron akong ni-nurse na broken heart. Nung pinaguusapan na namin si Sam, at kinikilig si lady guard dahil crush daw niya si Sam, nag-react ka. Sabi mo "kayo tlga.." tapos sabi ko, "bakit ikaw hindi mo crush si Sam?" sabi mo "hinde. ung crush ko ung kaaakyat lang." "Sino? si Mr.Tan?" "oo" tapos sabi ni lady guard "aawayin ka ni mam". All this time, sinusulyapan lang kita. Hanggang sa may nakita akong singsing nanaman. Hindi na ito plastic beads. Gold band na ito. Sa kaliwang kamay. So, okay. May asawa ka na nga.

All the time na nandun ako, nakikiramdam ka lang. Alam kong nakikinig ka. Alam kong sumusulyap ka minsan. Pero ang pinakanagpasaya sa akin, nung paalis na ako. Sabi mo "mamaya na" mahina lang yun, pero narinig ko. Nginitian lang kita habang palayo na ako at papunta ng elevator. Pag dating ko sa elevator, nanalamin ako sa may bulletin board. Pag lingon ko sa may reception, nakangiti ka sa akin.

Kahit yun lang, masayang-masaya na ako. Sayang may asawa ka na. Pero naisip ko, hindi bale na, crush lang naman kita. Kaya hindi ako dapat maapektohan. I-enjoy lang natin kung anong nangyayari ngayon. Alam naman natin ang limitasyon natin.

Nung pauwi na ako, inasam ko na makasama ka sa elevator. Pero hindi nangyari. Pero ok lang kasi pag baba ko, pag labas ko ng elevator, nandoon ka sa reception at nakatingin ka sa mga lumalabas sa elevator. Alam kong nagtama ang mga mata natin pero umiwas kagad ako ng tingin kasi nahihiya na ako sa'yo. Kung ano ano na lang ang tinanong ko kay Mang Toti para makaiwas sa tingin mo. Pero sinundan mo ako ng tingin hanggang sa makalabas ako. Kinawayan kita ng konti pero hindi mo na yata napansin. Masaya ako ngayon, dahil sa'yo. Masaya. Masaya ako.

Tuesday, June 1, 2010

Life's Little Surprises

Kanina, excited na excited ako maguwian. Kasi excited akong makita ka. Baka kasi ikaw ulit ang nasa elevator tulad kahapon. Sayang nga lang, may asungot sa elevator kahapon. Hindi kita na-solo. Hahaha. Pero matamlay ka kahapon. Hindi ko alam kung masakit ba ang ngipin mo o ano, kasi weird ka magsalita kahapon eh.

Kaya excited ako kanina, pero naisip ko rin, na baka katulad lang ng dati. Kasi dati, kapag nae-excite ako na maguwian sa pagaakalang makikita kita, nadi-disappoint ako eh. So kanina, akala ko mae-excite nanaman ako sa wala. Pero pag dating sa ground floor, pag bukas ng elevator, ikaw ang bumungad sa akin. Lumundag ang puso ko sa kilig. Balik ka na ulit sa dati. Hindi ka na matamlay. Cute ka na ulit. At nagniningning nanaman ang mga mata mo hindi tulad kahapon na cloudy. Sabi ko pa nga sa'yo "uuii ok na siya" eh hindi mo narinig kaya tinanong mo ako pero kausap ko si Mang Toti at hindi ko rin naman gustong may makahalata na kahit na sino na gusto kita. Kaya inilingan na lang kita nang nakangiti. Nakangiti ka rin naman eh. Pero weird kasi pati ung lady guard dun sa reception, parang nakangiti din. Hindi ko alam kung may kinalaman ba ako doon. O baka naman feeling ko lang. Kasi hindi naman ako direktang nakatingin sa kaniya eh. Just out of the corner of my eye. Pag labas ko pati yung guard dun sa may lobby door feeling ko nakatingin sa akin at pinagmamasdan ako. Hmmpp. Weird sila. Pero I don't care. Kasi nakita ulit kita. Two in a row. Ang saya ko. Talagang mahal ako ni Lord. Hehehe. Pinapasaya Niya ako. And I'm really grateful for that. Hay.. Kung hindi naman masyadong kalabisan, sana bukas ulit makasama kita sa elevator. Pero sana tayong dalawa lang. Wala lang, gusto ko lang makipag-kulitan sa'yo. Napapasaya mo kasi ako eh. Ng sobra.
 

Free Website templatesSEO Web Design AgencyMusic Videos Onlinefreethemes4all.comFree Blog TemplatesLast NewsFree CMS TemplatesFree CSS TemplatesFree Soccer VideosFree Wordpress ThemesFree Web Templates